ALDEN NATUPAD ANG PANGARAP NA GUMANAP NA SUPERHERO

SA “24 Oras” u­nang nasilip ang magiging anyo ni Alden Richards para sa kanyang karakter bilang ang ating tagapangalaga, si Victor Magtanggol, sa bago niyang action-drama-fantasy series sa GMA 7 na “Victor Magtanggol.”

As per exclusive report ng “24 Oras,” childhood dream ni Alden ang makaganap siyang isang superhero, kaya based sa costume na isinuot niya, dream come true para sa kanya ang project na ito.

“Alam po naman ng karamihan na super fan ako ni Iron Man,” sabi ni Alden.  “So, ‘yung mga secret dreams ko before was really to play a superhero.  Isa po sa naramdaman kong excitement nang isuot ko for the first ang costume.  Kumportable at nakakagalaw ako sa fight scenes.  Surprisingly, ang ganda ng movements, magaan siyang isuot.”

Pero hindi biro ang dinanas ni Alden sa proseso ng pagbuo ng kanyang costume.

“Kailangan po itong akma sa katawan ko kaya dumaan ako sa pagsusuot ng body cast.  Mga isang oras akong binalutan ng material na habang tumatagal, tumitigas, masakit.  Pero siyempre po para talagang tailor-made ang costume, kailangan kong tiisin iyon hanggang sa mabuo ang cast.”

Dumaan din daw sa i­lang revisions ang paggawa ng kanyang costume.  At masaya siya sa naging final look nito, na ipagmamalaki niya ay Filipino made.

“Everything is purong Pinoy.  It’s all Filipino talent, effort, blood, sweat, tears, all in one project.”

Ipinakita rin sa “24 Oras” kung paano nasusuot kay Alden ang costume, ang ganda ng transformation nito.  That time naman na ipinalalabas ito sa news program, nagti-taping si Alden sa isang mall sa Quezon City, na makikita kung gaano karami ang mga taong nanonood mula sa ground floor hanggang fourth floor.  Wala ngang sinasayang na oras sa taping si Alden dahil kailangan nilang matapos na ang ilan pang eksenang kukunan dito bago sila lumipad sa location nila sa abroad.

Samantala, inilabas na rin ang music video ng first single ni Alden sa bago niyang album sa GMA Records, ang “I Will Be Here.”  Simula ngayong Sunday, June 24, may pre-selling na ito sa iTunes. Magiging available naman ito worldwide simula sa July 1, kasabay ang formal launch ng single.  Napapanood na rin sa Youtube ang spotlight music session ni Alden with the Ex-Battalion ng theme song ng “Victor Magtanggol” ang “Superhero Mo.”

MAINE MENDOZA HANDA NANGMAG-RECORD NG FIRST SINGLE    

MAINE MENDOZA KAY Maine Mendoza naman, at exactly 6:00 PM last Friday, June 22, nakita na sa Twitter account ng Universal Records Philippines (URPH) kung sino ang bago nilang recording artist, sa kanilang “The Big Event.”  Hindi na nga kailangang pahulaan dahil alam na agad ng fans nila, ang AlDub Na-tion, na si Maine iyon.

At inilabas nga nila muna ang picture ni Maine sa video na nakatalikod suot ang jacket ng URPH, then inilabas niya ang shoulder niya at nang tuluyan na siyang humarap, si Maine Mendoza nga with the caption na “she’s ready.”

Wala pa kaming complete details ng pagpayag ni Maine na maging recording star na, na matagal nang hinihintay ng fans, pero ba­litang sa end of the month, magre-record na siya ng kanyang first single.

Comments are closed.