ALDEN PUSPUSAN ANG PAGPAPAGANDA NG KATAWAN DAHIL KAY BEA ALONZO

DAHIL sa enhance community quarantine nagkaroon ng time sa sarili ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards para mag-exercise.chizmax

Kinumpirma ng Kapuso actor na magkakaroon sila ng bagong poject ni Bea Alonzo sa ABS-CBN.

Ani ng actor sa isang panayam, “Parang first time ko na-starstruck pero ngayon ang sarap sa feeling na idol mo lang dati, katrabaho mo na ngayon. So ang sarap lang ng experience. Sobrang daming blessings this year.”

Hindi pa puwede sabihin ang ilang detalye hinggil sa bagong proyekto ni Alden sa ABS-CBN.

Kinakailangan lang daw niyang i-prepare ang sarili like ang i-improve ang kanyang para mapanatiling maganda ang pangangatawan.

Hindi vocal sa pagwo-workout na ginagawa ang actor kaya nagulat ang mga fans nang masilip ang kanyang socmed habang siya ay nag-e-exercise.

Aniya: “Tinago ko po kasi siya eh, kumbaga hindi ko pinakita na nagpe-prepare ako. Minsan lang ako mag-selfie sa gym pero mga dumbbell-dumbell lang. Pero hindi po talaga ako nagpakita para sana surprise.”

Dagdag pa ng Kapuso actor, “Parang I owe it to myself naman kasi ilang taon ko nang sinasabing gusto kong magka-abs pero puro drawing lang. So ito po talaga pinilit kong gawin, pinilit kong magkaroon. Hard work, effort at saka dedication. Diet po talaga.”

Ang ideal weight daw ngayon ng actor ay nasa 160 pounds na lang.

 

BEA CONCERNED KAY LLOYDIE

MULING nagkausap sa social media sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

May post ang Kapamilya actress ng famous line ni Marie Curie mula sa libro nito na nakita ng kanilang mga supporters.

Nag-follow ang mga faney at nadiskubre nilang nagpapalitan na naman ng message ang perennial loveteam.

Post ni Bea: “I remember a line I read from Marie Curie ‘Nothing in life is to be feared. It is only to be understood. Now is the time to be understood more, so that we may fear less, NOW more than ever.’”

May komento naman na @dumpsitegallery (na ang alam ng fans ay si Lloydie), “Marami rin ako naalala @beaalonzo.”

Sagot ng actress:”mukha nga (smiley emoji) magandang alaala naman?”

Muling sumagot si @dumpsitegallery “@beaalonzo karamihan oo, napangiti ako 🙂 pero meron din hindi napaisip ako.

Nagbiro si Bea, “napadpad ka sa bagong post ko ah. Pagod ka ng kakahalungkat ng past photos?

Sumagot ang actor, “pagod na.”

“Saan,” reply muli ni Bea.

“Sa maraming bagay,” sagot ni Lloydie.

Sinabihan siya ng actress na “luuhhhh… drama.”

“Sana nga drama lang ‘to,” sabi naman ni JLC.

Dito na siya tinanong ni Bea at tinawag sa kanyang pen name “okay ka lang, Idan?”

Ang sagot ng actor ay hindi inaasahan ni Bea “@beaalonzo puwede tumawag?…”

‘Yan ang palitan ng mensahe ng dalawang sikat na celebrity na grinab ng kanilang fans at pinost sa social media.

Kamakailan lang ay ang paghaharutan nila sa text ay nag-viral sa socmed.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *