ALDEN RATSADA PA RIN SA PROMO AT SHOOTING

WALA kaming masabi kay Alden Richards, umalis siya ng bansa last August 8 forshowbiz eye the United Arab Emirates para sa premiere night ng “Hello, Love, Goodbye” nila ni Kathryn Bernardo sa Dubai at Abu Dhabi plus meet-and-greet with the Filipino fans doon.

Last Sunday, nag-post lamang si Alden na nasa Sheikh Zayed Grand Mosque, nakasuot siya ng traditional clothing na kandura.  “Got to learn a little more about the religion and culture.  Pra­ying to come back soon with my family when the weather’s cooler. Inshallah.”  Summer kasi nga­yon doon. Umalis sina Alden at Kath last Sunday evening sa Abu Dhabi at dumating sila sa bansa ng Monday, 9:00 am.

Pero si Alden, nag-freshen up lamang dahil 1:00 pm ang call time niya sa taping ng bago niyang teleserye sa GMA Network, ang “The Gift” at tumuloy na siya sa Divisoria. Isang big scene raw kasi ang kukunan ni direk LA Madridejos.

May ilan pang commitments si Alden para sa “HLG” nila ni Kath na tatlong araw sila sa Singapore at masasabay na rin ang pagpu-promote niya ng “The Gift” sa regional mall shows, mauuna sa Kadayawan Festival sa Davao, on August 23.  Malapit na rin kasing mapanood ang “The Gift” sa primetime ng GMA 7

IZA CALZADO NAUDLOT ANG PAGKAKAROON NG BABY

READY na sanang magkaroon ng first baby sina Iza Calzado at Ben Wintle this year, IZA CALZADOpero hindi raw muna matutuloy.  Ayon kay Iza, next year na raw lamang sila magta-try dahil ang dami pa niyang commitments na gusto niyang tapusin this year.  Very patient naman si Ben na maghintay.

Naunang tinapos ni Iza ang “Pandanggo Sa Hukay,” na isa sa naging entries sa katatapos na Cinemalaya Philippine Independent Film Festival sa Cultural Center of the Philippines (CCP).  Sisimulan ni Iza ang “MNL/HK/NY movie with Congressman Alfred Vargas na ididirek ng come-backing film and TV director na si Mac Alejandre kapag natapos na siya ng shooting ng “Culion,” ang historical movie na sinulat ni Ricky Lee at dinidirek ng award-winning filmmaker na si Alvin Tapan.  Produced ito ng IOptions Productions at isa rin sa producers si Iza,  na excited na ring matapos ang movie.

“Ang “Culion” daw ay kuwento ng pag-asa.  For so many years ay ginawang leper colony ang Culion nu’ng 1940s,” sabi ni Iza.  Tingnan natin kung ano na ang Culion ngayon sa paglalahad nito sa movie.

Balak din nina Iza na i-submit ang “Culion” as a finished film sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019, na deadline na sa September 20.

RADSON FLORES AT ELLA CRISTOFANI LAGLAG NA SA STARSTRUCK

TULUYAN nang natapos ang “StarSturck” journey nina Radson Flores at Ella RADSON FLORES AT ELLA CRISTOFANICristofani nang sila ang ma-eliminate sa second twist ng original artista search.  Si Radson ay nakabalik nang sa first twist ng show ay nagkaroon ng wild card at siya ang napili.

Last Sunday, August 4, nalagay naman sa lowest scores sina Ella at Jeremy Sabido.  Pero ang second twist ng show ay nang ipasok sila sa wild card at nakipaglaban muli sa dalawang nakakuha ng lowest score last Sunday, August 11.

Nakakuha ng lowest score sina Radson at Lexi Gonzales.  Na-retain sina Jeremy at Lexi kaya muling nabuo ang Top Final 8 ng “StarStruck.”

Comments are closed.