SI Pambansang Bae Alden Richards ang nanalong 2018 Sexiest Man in the Philippines mula sa online poll ng Starmometer, ang entertainment blog. First time pala ng Starmometer sa eleven years nilang ginagawa ang poll, ngayon lamang may nanalong Kapuso actor. Nakakuha ng 39.83 percent si Alden at si James Reid, nakakuha ng 15.52 percent.
Sumunod na lamang sina JM de Guzman, Carlo Aquino, Xian Lim, Daniel Padilla, Coco Martin, Dingdong Dantes, Elmo Magalona at si Enrique Gil ang number 10.
Nasa taping si Alden ng kanyang action-drama-fantasy na “Victor Magtanggol” kaya nagpaabot siya ng pasasalamat sa lahat ng bumoto at patuloy na sumusuporta sa kanya.
Last week naman, ang ka-love team niya, si phenomenal star Maine Mendoza ang tinanghal na Ultimate Asian Sweetheart 2018. (Sagutan sila, ha?– ED)
16 YEAR-OLD GOLDEN CANEDO NG CEBU GRAND CHAMPION NG ‘THE CLASH’
ANG 16-year old na si Golden Canedo from Cebu ang tinanghal na first “The Clash Grand Champion” Ang “The Clash” intense singing battle ng GMA Network na yata ang show na ang daming twists. Last Saturday, September 29, may top six clashers, sina Anthony Rosaldo ng Valenzuela; Garrett Bolden ng Olongapo, Jong Madaliday ng North Cotabato, Josh Adornado ng Cagayan de Oro at Mirriam Manalo ng Pampanga, pero tinanggal pa ang isa sa kanila, si Anthoney, para maging Final 5 Clashers.
Nang maglaban naman ang Final 5 Clashers, pinili pa ang dalawang top clashers at naglaban muli sila. Sina Golden at Jong Madaliday ang naglaban sa top post. At si Golden nga ang siyang nanalo.
May pasabog pa si The Clash Master Regine Velasquez-Alcasid na may special prize ang nanalong “2018 Most Loved Clasher” na pinanalunan ni Esterlina Olmedo ang tinaguriang “Tiger ng Cebu” at tumanggap siya ng One Hundred Thousand Pesos. Sumunod na pasabog ni Regine, ang apat sa Final 5 clashers ay tumanggap din ng One Hundred Thousand Pesos each, sina Mirriam Manalo, Garrett Bolden, Josh Adornado at si Jong Madaliday.
Inamin ng The Clash Judge Panel Christian Bautista, Ai Ai delas Alas at Lani Misalucha na nahirapan sila talagang piliin ang bawat nanalo dahil lahat sila ay nagpakita ng kani-kaniyang husay sa pagkanta. Kahit si Regine, nahirapang basahin ang nanalong grand champion. Si Golden ay tumanggap ng one year management contract from GMA Network, presented by Ms. Lilybeth Rasonable, the Senior Vice-President for GMA Entertainment, a brand new car, a Bria house and lot na presented by Senator Cynthia Villar of Camella Homes at One Million Pesos cash prize. Bale inabot ng more than four million pesos ang prizes na natanggap ni Golden.
Nag-announce si Regine na parang celebration, magkakaroon ng “The Clash of 2018 Concert” na mapapanood sa Sunday, October 7, after ng “Daig Kayo Ng Lola Ko.”
At para sa Final 5 Clashers, kasama na sila sa bagong musical show ng GMA, ang “Studio 7,” na magsisimula nang mapanood sa Oktubre 14, same time sa GMA 7.
Ini-announce din ni Regine ang pagkakaroon ng “The Clash 2019” next year. Kung lilipat na si Regine ng network sino kaya ang papalit sa kanya as the next Clash Master?
Comments are closed.