ALDEN RICHARDS BABALIK SA SOUTH KOREA PARA DALHIN ANG PAMILYA

HALOS walang pahinga si Alden Richards sa pagti-taping niya at mga co-stars niya showbiz eyeng inspirational drama series nilang “The Gift.”  Pinag­hahandaan na niya ang Christmas break kaya halos araw-araw sila nagti-taping. Last week, apat na araw silang nag-taping, nagpahinga lamang sila last Friday, November 29, dahil nag-mall-show naman sila sa SM City Cabanatuan, sa Cabanatuan City, Nueva Ecija. Kasama ni Alden sina Rochelle Pangilinan, Mikee Quintos, Martin del Rosario, Mikoy Morales, Ysabel Ortega at Tetay.

Naipangako ni Alden sa kanyang pamilya na sa South Korea sila magpapalipas ng Pasko.  Nakapunta na si Alden sa South Korea nang tumanggap siya ng award doon at nagkaroon siya ng chance na makapasyal sa ilang lugar doon.  Kaya naipangako niyang babalik siya roon, kasama ang kanyang pamilya.  Kailangan lamang nilang bumalik sa December 27, para mag-resume sila ng taping ng kanilang serye na gabi-gabi ay talagang tinututukan ng mga manonood, lalo na ngayon, naniwala na ang mga tao na may nakikita si Sep (Alden) sa kanyang vision at nagkakatotoo.

Ngayon, gusto na ng mga tao na hulaan sila at gamutin ni Sep.  Napanonood ang “The Gift” pagkatapos ng “Beautiful Justice.”

AIKO MELENDEZ NADUROG ANG DALIRI HABANG NAGBO-BOXING

KAHIT iniinda pa ni Aiko Melendez ang sakit sa kanyang kanang kamay na AIKO MELENDEZnamamaga at naka-cast pa, wala siyang magawa kundi ang mag-report na sa taping ng GMA Afternoon Prime na “Prima Donnas.”

Naka-cast kasi ang right hand niya hanggang sa braso.  Nadurog ang kanyang fourth finger habang nagbo-boxing.  Nagkamali raw kasi siya ng pagbabalot ng kamay niya at tumagos ito sa boxing gloves niya.  Hindi  alam ni Aiko kung magagawan ito ng pa­raan sa script dahil bigla siyang nagkaroon ng cast sa eksena.  Sa story kasi ng “Prima Donnas” ay matapang si Aiko as Kendra at siya ang gumagawa ng kasamaan sa tatlong Donnas, sina Mayi (Jillian Ward), Ella (Althea Ablan) at Len Len (Sofia Pablo), mga gumaganap na triplets ni Jaime (Wendell Ramos) at hindi siya nagpapaapi.

Sa ngayon ay hawak niya at ng mga tao niyang inutusan ang triplets at hindi pa niya alam kung ano ang gagawin niya sa mga ito. Basta ang gusto niya, hindi makalapit ang tatlo kay Jaime.  Pero si Jaime, pinaghahanap ang nawawalang triplets kaya worried si Kendra.

Ang “Prima Donnas” ay nanopanood araw-araw pagkatapos ng “Magkaagaw.”

JUANCHO TRIVINO AT JOYCE PRING NAGHAHANDA PARA SA KASAL NILA SA 2020         

PAGKATAPOS magsalita ni Juancho Trivino noong presscon ng “Madrasta” na JUANCHO TRIVINO AT JOYCE PRINGmatagal  pa bago sila magpakasal ng girlfriend niyang si Joyce Pring, noong presscon ng 20th anniversary celebration ng “Unang Hirit” na magkasama silang mag-host ng mga out-of-town segments, sinabi ni Juancho na engaged na sila ni Joyce.  Naganap ito last August 3, nang magbakasyon sila ni Joyce sa Boracay.

Kaya nga raw wala si Joyce sa presscon, pumunta pala siya sa US para pumili ng kanyang wedding gown.

Nag-host ng “Chika Minute” ng “24 Oras” si Joyce last Thursday, November 28, at sabi niya, early 2020 pa ang garden wedding nila.  Sa ngayon ay inihahanda pa nila ang list ng mga magiging sponsors nila.  Isa nga raw sa magiging ninong ay ang pambansang ninong na si Arnold Clavio, na halos lahat daw ng mga co-hosts niya sa “Unang Hirit” na ikinasal ay ninong siya.

Anyways, Happy 20th anniversary sa “U­nang Hirit” starting December 2 to December 6, at 4:55 am.