BACK to work agad to his busy schedules si Alden Richards nang dumating siya morning of Thursday, March 21 from his eight-day vacation sa Holy Land kasama ang mga Dabarkads. Kinagabihan naman, bumalik from Hong Kong ang ibang Dabarkads, kasama si Maine Mendoza, taliwas sa nasulat na nauna siyang bumalik ng Filipinas.
Mukhang nagpahinga lamang si Alden at nag-freshen up dahil may post na siya agad na nasa bagong food chain store na siya kasama ang sister niyang si Risa na siyang magma-manage ng kanilang branch sa Biñan, Laguna at ang kanilang staff doon.
Malapit na ang formal opening nila sa April 26, at sa kasalukuyan ay nasa finishing touches na ang store.
Kahapon, after nag-live sa “Eat Bulaga,” tumuloy na si Alden sa Candon, Ilocos Sur, para sa isang show doon at balik din siya early morning of Saturday. On Sunday, live na rin siya sa “Sunday Pinasaya” at pagkatapos nag-guest siya bilang isang security guard sa comedy series na “Dear Uge” ni Eugene Domingo.
May taping pa next week si Alden para sa Lenten Special ng “Eat Bulaga” na balitang this time, sila lamang nina Bossing Vic Sotto at Maine Mendoza ang tig-isang araw, from Holy Monday to Holy Wednesday, na bibida sa three stories kasama ang ibang Dabarkads.
First week of April na raw ang alis nila ni Kathryn Bernardo para sa shooting ng untitled movie nila for ABS-CBN Productions their first movie team-up. Three weeks daw silang magsu-shooting sa Hong Kong, ng movie na tungkol sa mga OFWs doon. Hindi pa sure kung may Holy Week break sila, na makakauwi pa sila rito or tuluy-tuloy ang pagsu-shooting nila roon at uuwi lamang si Alden just on time sa opening ng kanyang McDo store
By early May, tuloy na ang mga shows ni Alden sa GMA Pinoy TV USA, kasama ang ilang Kapuso Stars.
Meanwhile, may isang fan at isang writer daw siya (na hindi na namin sasabihin ang name dahil hindi naman siya kilala) na nag-post na papasok daw si Alden sa epic serye na “Sahaya” nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix. Dagdag pa niya, nagti-taping na raw sina Alden at Bianca and enjoy daw ang dalawa. Kaya tinawagan namin ang head ng Creative Group ng GMA at writer ng “Sahaya,” si Ms. Suzette Doctolero at tinanong kung totoong papasok sa cast ng “Sahaya,” sumagot siya agad na “hindi totoo, hindi siya kasama sa cast.” Saan kaya nakuha ng nagpapanggap na writer ang balitang iyon?
Comments are closed.