ALDEN RICHARDS DESIDIDONG MAKA-PAGDIREK

MUKHANG desidido si Pambansang Bae Alden Richards na totohanin ang sinabi niya noong unang showbiz eyepresscon ng “Victor Magtanggol” na gusto niyang magdirek kahit isang eksena lamang ng kanilang action-drama-fantasy series.

Nakunan nga ng picture si Alden habang break sa taping na nakikisilip siya sa camera, habang kausap niya si Direk Dom Zapata at ang fight instructor ng serye nila.  Si Alden pa naman, kapag may gusto siyang ma-achieve, talagang gagawa siya nang paraan para makamit ito.

GABBI GARCIA TULUYAN NANG NAHIWALAY SA KA-LOVETEAM NA SI RURU MADRID

GABBI GARCIALAST week, nagkasunod-sunod ang mga presscons na pinuntahan ni Kapuso actress Gabbi Garcia. Magkasunod kasi ang presscon ng bago niyang musical show na “Studio 7” at last Wednesday evening naman ang presscon ng “Pamilya Roces.” Biro nga niya wala na raw sigurong maitatanong sa kanya.

Pero isang tanong na matagal nang gustong itanong sa kanya ay iyong pag-alis niya sa “Sunday PinaSaya.” Sabi kasi ng show, magpapahinga lamang siya, pero babalik din. Matagal na siyang wala, almost a year na pero hindi na siya bumalik.  Naiwan niya ang ka-love team na si Ruru Madrid, matapos ding mamatay na ang character niya sa “Sherlock Jr.” na pinagtambalan nila noon.

Ang totoo raw ay may classes siya ng Saturday kaya hindi siya maka-attend ng rehearsal ng SPS.  E, Saturday rin naman ang rehearsal ng SPS. Nahihiya raw siya na basta darating siya sa show ng Sunday na hindi siya nakapag-rehearse.  At nagkasunod-sunod na rin ang mga out-of-the country shoots niya  para sa mga commercial ads niya, kaya nag-decide na rin daw siyang huwag nang bumalik sa show.

At ngayon nga, may dalawa siyang bagong shows. Mondays to Fridays ang bago nilang dramedy series na “Pamilya Roces” at every Sunday naman, ang musical variety  show na “Studio 7.”

Gaganap na magkapatid sina Carla Abellana at Gabbi at nanay nila si Ms. Gloria Diaz,  sila ang legal family ni Rodolfo Roces (Roi Vinzon).

Si Joel Lamangan ang director ng “Pamilya Roces” at mapapanood na ito simula sa Monday, October 8, after ng “Onanay” sa GMA 7.

KYLINE ALCANTARA  NO PROBLEM KAHIT WALANG KA-LOVETEAM

KYLINE ALCANTARAAT 16, wala raw siyang showbiz crush, sabi ni Kyline Alcantara after the presscon of “Studio 7,” ang bago niyang show sa GMA Network.  Wala rin daw nanliligaw sa kanya, baka raw intimidated sa kanya ang mga boys dahil sa lakas ng personality niya.

Kaya okey din lamang sa kanya kung wala siyang ka-love team.  Pero kung bibigyan siya ng GMA, tatanggapin niya.

Kumusta naman iyong balitang hindi sila magkasundo ni Bianca Umali, kahit noong ginagawa pa nila ang “Kambal Karibal?”

“Hindi po totoo iyon, dahil kahit wala pa kaming bagong project, magkasama naman kami every Sunday sa “Sunday PinaSaya,” sabi ni Kyline.  “At mas naging close po kami nang gawin namin ang “Daig Kayo Ng Lola Ko” na para kaming Siamese twin kaya lagi ka­ming magkakabit.  Nakatutuwa nga po na dahil mataas ang rating namin, nag-extend pa kami ng another two episodes.  Kasama po namin doon si Manolo Pedrosa na gu­maganap namang kambal ang role.”

Comments are closed.