VERY successful ang grand opening day ng fast food franchise ni Pambansang Bae Alden Richards, ang McDo sa Biñan Highway, Biñan, Laguna. As early as 3:30 am, halos napuno na ang kalye sa harapan ng store ng fans, at early custom-ers. Nagkaroon ng motorcade at 9:00 am, pero si Alden na lamang ang naglibot sa main streets ng City of Biñan, dahil masyado nang mainit ang araw. Labis ang pasasalamat ni Alden sa lahat ng sumuporta sa kanilang family-owned fran-chise McDo store.
Muling babalik si Alden sa Hong Kong para ituloy ang shooting nila ni Kathryn Bernardo ng first team-up nila sa Star Cinema, ang “Hello, Love, Goodbye.”
Maraming nagtatanong kung ano talaga ang role na gagampanan nina Kath at Alden sa movie na dinidirek ni Cathy Garcia-Molina.
Kaya naman nai-share ni Alden kung ano ang mga roles na gagampanan nila ni Kath. Sa story, siya raw ay matagal nang resi-dent ng Hong Kong at si Kath ang OFW na darating doon. Papasok silang waiter sa isang restaurant doon kaya raw bago sila nag-start ng shooting, nag-aral pa sila ni Kath kung paano maging mga waiters. Maghapon daw silang tinuruan doon sa restaurant na ginamit nila sa shooting.
“Hanggang doon po lamang ang puwede kong i-share,” natatawang wika ni Alden. “May 10 shooting days pa kami sa Hong Kong at ilang shooting days pa dito sa Filipinas.”
Kaya si Alden, tiyak na just on time lamang ang pagbalik sa Filipinas after the shooting sa Hong Kong para muling umalis for “Musikalye Sa Brooklyn” show ng Kapusong Pinoy Studio 7 na gaganapin sa May 11, sa King’s Theatre sa Brooklyn, New York. Makakasama ni Alden sina Christian Bautista, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Kyline Alcantara. Golden Canedo at Betong Sumaya.
Sa Laguna Excellence Awards 2019:
YASMIEN KURDI OUTSTADING TV ACTRESS OF THE YEAR;
THERESE MALVAR INDIE FILM ACTRESS OF THE YEAR
THANKFUL ang dalawang Kapuso actresses na sina Yasmien Kurdi at Therese Malvar sa tinanggap nilang “Laguna Excel-lence Awards 2019” mula sa Laguna government.
Si Yasmien ay pinarangalan bilang Outstanding TV Actress of the Year para sa TV series niyang “Hindi Ko Kayang Iwan Ka,” samantalang si Therese ay kinilalang Indie Film Actress of the Year.”
Pasasalamat ni @yasmienkurdi “It is such an honor to be recognized by the Laguna government thru Laguna Excellence Award. I am very much humbled, ang inspired to continue to do my best in my chosen field and career.
And I hope to continue to inspire and be partners with our viewers for a responsible TV viewing. Maraming salamat #La-gunense!
Maraming salamat GMA 7 Kapuso at “Hindi Ko Kayang Iwan Ko.” #LagunaExcellenceAwards2019
Nagpasalamat din si Yasmien dahil kasama niyang nag-attend ng awards night ang pilot husband niyang si Rey Soldevilla Jr. at siya namang binigyan ng special award na “Male Star of the Night.”
Si Yasmien ay napapanood ngayon sa morning teleserye na “Hiram na Anak,” with Dion Ignacio, bago ang “Eat Bulaga” at si Therese ay napapanood naman sa GMA Afternoon Prime drama series na “Ina-gaw na Bituin” with Kyline Alcantara, Angelika dela Cruz at Sunshine Dizon, after ng “Bihag.”
Comments are closed.