ALDEN RICHARDS DUMAAN SA BLIND IMMERSION

WALA yatang kapaguran si Alden Ri­chards, pagdating sa trabaho.  Kababalik nga showbiz eyelamang niya mula sa Seoul, South Korea dahil tuma­nggap siya ng Asian Star Prize mula sa Seoul International Drama Awards, pero kinabukasan, nag-report na siya sa taping ng bago niyang teleserye sa GMA Network, ang “The Gift.”

Pansamantala silang huminto ng taping dahil nag-plug shoot naman sila para sa mga bagong sisimulang teleserye sa GMA ngayong September. Kasama niya ang cast ng “Beautiful Justice” na pinangungunahan nina Yasmien Kurdi, Gabbi Garcia, Bea Benene, Derrick Monasterio at Gil Cuerva, na mauunang ipalabas sa Monday, September 9.

Kasama naman ni Alden sa “The Gift” sina Jean Garcia, Elizabeth Oropesa, Jo Berry, Mikee Quintos, Christian Vasquez, Thia Thomalla at Ysabel Ortega.  Ipalalabas naman sila sa September 16.  Last Friday din, lumabas na ang teaser ng “The Gift.” Nakakuha agad ito ng libo-libong likes sa Twitter.

Ang third teleserye na ipalalabas ay ang “One of the Baes” na produced ng GMA Public Affairs at tampok sina Ken Chan, Rita Daniela, Tonton Gu­tierrez, Amy Austria, Joyce Ching, Melanie Marquez at marami pang iba.

Dahil gaganap si Alden ng isang bulag sa “The Gift,” nag-undergo na rin siya ng blind immersion.  First time niyang gaganap ng ganoong role kaya gusto niyang matutunan ang character ng isang visually-impaired person.

“Medyo mahirap po, naka-blindfold ako, at kahit may gamit akong tungkod o cane, at itinuro kung paano ang paglakad ko, nababangga pa rin ako, o nakakabangga,” natatawang kuwento ni Alden.  “Salamat po sa support ng mga nagtuturo sa akin from @resourcesfortheblind.ph nalaman ko kung ano dapat ang gagawin ko. Salamat po.”

FINAL 4 NG STARSTRUCK 7TH EDITION MALALAMAN NA

MASAYANG nagtapos ang episode ng “StarStruck” last Sunday dahil nanatili angSTARSTRUCK Final 6 na sina Kim de Leon, Allen Ansay, Abdul Raman, Shane Sava, Lexi Gonzales at Pamela Prinster.

In-announce ni host Dingdong Dantes na bibigyan pa sila ng another week na manatiling Final 6, hanggang sa mapili ang Ultimate Final 4 na maglalaban sa Final Judgment sa September 15.

MIKE TAN ‘DI PROBLEMA ANG GUMANAP NA TATAY

WALA nang problema ngayon si Mike Tan gumanap na isang tatay sa mga serye na MIKE TANginagawa niya, tulad ng “Throwback Pag-ibig” ng nagbabalik na romantic anthology na “Wagas.”

“May anak po kami ni Sunshine (Dizon) sa story, si Leanne Bautista, kaya hindi na ako nahirapang gumanap sa role dahil may anak na rin ako ngayon,” sabi ni Mike.  “Baby girl din ang anak namin ng wife ko at she’s now 9 months old.  Dati, kapag gumaganap akong tatay, nagtatanong pa ako kung ano ang dapat kong gawin sa isang situation, pero dito, madali ko nang nagagampanan, nandoon na kasi ang feeling ng isang tatay, lalo na doon sa mga eksenang nawala nga ang anak namin at hindi namin alam kung buhay pa siya o wala na.  Tiyak po mara­ming makaka-relate sa story namin na mapapanood sa loob ng isang buwan, Mondays to Fridays.”

Nagsimula nang mapanood last Monday, ang pilot episode ng “Throwback Pag-ibig” na tampok din sina Regine Angeles, Lovely Abella, Iyah Mina, sa direksyon ni A­dolf Alix, Jr., at 11:30 a.m, bago ang “Eat Bulaga” sa GMA 7.

Comments are closed.