ALDEN RICHARDS GUSTONG PUMALAOT BILANG SINGER/PERFORMER

Alden Richards

BUSY sa paghahanda para sa kanyang susunod na concert ang Pambansang Bae na si Alden Richardsbuzzday and this time, he promises his fans a total concert experience.

Ayon kay Alden, dodoblehin niya ang kanyang effort para masiyahan ang kanyang manonood na patuloy na sumusuporta sa kanya all these years. Ito na rin daw ang kanyang pasasalamat sa mga tagahanga na kahit anong mang­yari ay hindi bumibitaw.

Marami raw siyang gagawin na hindi niya ginawa noong nakaraang concert niya, may nagsabi pa na malamang ay buwis-buhay na performance ang mapanonood na hindi niya ginawa noong una.

Alden has proven himself as an actor na bagama’t sinabi niya na marami pa siyang gustong gawin at patunayan, his awards would prove that he is undeniably made his mark in the movie and television industry. Nais din niya na makagawa ng indie film.

Nang tanungin siya kung sino sa mga local singer/performer ang peg niya, walang kaabog-abog na gusto niyang maabot ang narating ni Gary Va-lenciano bilang singer/performer, na hanggang ngayon sa paglipas ng panahon ay nariyan pa rin at patuloy na nagpe-perform.

Along with this, sana ay mag-explore pa siya ng ibang style ng pag-awit na kaya naman sana niyang gawin dahil nabibitin kami sa kanyang boses na ramdam namin ay may mas ibubuga pa. Puwede na siyang tumawid from his “Wish I May” style na parang nahihiya. Sana ay mai-guide siya ng kanyang vocal coach dahil may ibang estilo pa na babagay  sa boses niya, ‘yung mailabas pa ang itinatago niya or nahihiyang ilabas. Maybe in his next album and on his third concert, Alden would discover he has something more to give at iyon ang ipakikita niya sa fans niya.

Nakaka-excite na mapanood si Alden sa Set­yembre 21 concert niya sa KIA Theater at 8pm dubbed “Adrenaline Rush.” Sa title pa lang, todo per-formance na ang aabangan.

Talagang pure entertainment with his guests like Regine Velasquez-Alcasid, Comedy Concert Queen Ai Ai delas Alas, Rodjun Cruz, Betong Suma-ya, One Up, Ex Battalion and many more directed by GB Sampedro and  musical direction by Marc Lopez.

By the way, his five-track album “Until I See You Again” carries the single “I will Be Here” will be available for digital pre-order beginning September 7, and will be officially released on September 21 via iTunes, Spotify, Amazon and other digital platforms worldwide.

Comments are closed.