HININTAY talaga ng mga fans ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards ang kanyang “Kwentuhan at Kumustahan Tayo” Instagram Live last Wednesday, April 29 at 2:00 PM. Bago sumagot ng questions si Alden, ipinasyal muna niya ang viewers niya sa loob ng kanilang bahay at ipinakilala ang tatlong alagang aso. Ipinakita niya ang kanyang Iron Man collections na hindi na yata niya mabilang kung ilan.
Kahit ang napakarami niyang white t-shirts ay ipinakita niya dahil may nagbirong parang hindi na siya nagpapalit ng t-shirt. Ang dami pala talaga at ang iba ay hindi pa niya nabubukssan mula sa plastic.
Inamin ni Alden na hindi mangyayari ang 10th year major concert niya sa July, 2020 dahil kahit ma-lift na ang enhanced community quarantine, hindi pa rin papayagan ang mga ganitong shows dahil io-observe pa rin ang social distancing. As to his “Centerstage” show, malalaman pa raw niya kung paano at kung kailan sila pwedeng mag-taping.
May tanong sa kanya kung natanggp na niya ang offer para mag-training siya at maging reservist sa Philippine Air Force. Pinag-aaralan na raw niya iyon at ng GMA.
RONNIE LIANG ARMY FRONTLINER NA RIN
THANKFUL ang singer at army frontliner, Ronnie Liang, na negative ang result ng test niya ng COVID-19. Sa kanyang Instagram account, the singer and pilot said,
“As an army reservist and frontliner, I am always exposed to any possible virus around. As mandated, I submitted myself to a rapid test. Thank God, the result is negative. It helps to keep myself healthy, well hydrated and always keeping a safe distance when outside.
“I urge everyone to stay at home and follow physical distancing when running errands for the household. Stay healthy for our loved ones. @philippinearmy @armorpambatodivision
Sa kanyang Instagram posts, makikitang isa si Ronnie sa mga frontliners na nagdadala ng mga relief goods at packed meals sa mga nangangailan, na minsan sa isang araw daw 1000 families ang kanilang nadadalhan ng tulong sa iba’t ibang lugar.
YouLOL BAGONG COMEDY CHANNEL INILUNSAD NG GMA
NGAYONG Friday, May 1, at 7:00 PM, bubuksan na ng GMA Entertainment Group ang “YouLOL,” bagong comedy channel sa YouTube na magpi-feature ng premium offerings na magpapatawa sa mga viewers mula sa mga best Kapuso shows. Unang mapapanood sa launch sa livestream ang fun weekend na may live chat sa cast ng “Bubble Gang” at bukas naman, Sabado, sa cast ng “Pepito Manaloto.”
Isa rin sa segments ng YouLOL ay ang “Brgy. Bubble” na ang mga subscribers ay pwedeng mag-request ng challenge laban sa mga Bubble Gang cast.
Isa rin sa ipi-feature ang parody music videos, along with funny gags, comical sketches and various games na pwedeng mag-participate ang mga netizens na nag-subscribe sa YouLOL.
Comments are closed.