NATULOY na ring lumipat ng ibang location ang bagong teleserye ni Alden Richards na “The Gift” for GMA Network. Hindi na sila sa Divisoria nagti-taping kasi hindi sila makapagtrabahong mabuti, sa dami ng mga onlookers na gustong makapanood ng taping. Nakausap namin ang isang taga-production at nasabi niyang okey daw ang trabaho nila kapag hindi pa kasama si Alden sa eksena. Pero once daw lumabas na si Alden para mag-take, wala na silang magawa, hindi na nila mapigil ang mga tao na lumapit sa set. Wala rin daw magawa ang crowd control at kahit ang mga pulis at barangay tanod ay nahihirapan silang patahimikin.
Kaya humanap sila ng isang palengke, somewhere in Quezon City, na hindi masyadong maraming tao at nasasaway ang mga fans.
Pagbalik ni Alden mula Singapore na nag-attend sila ni Kathryn Bernardo ng premiere night ng “Hello, Love, Goodbye” na umabot na sa more than 700 million pesos ang tota gross nationwide and worldwide as of August 16, didiretso na siya sa taping ng “The Gift.”
WENDELL RAMOS ‘DI NABABAKANTE MULA NANG LUMIPAT SA GMA
LABIS ang pasasalamat ni Wendell Ramos na since bumalik siya sa GMA Network, hindi na siya nababakante. Una niyang ginawa ang drama-serye na “Onanay” katambal ng little people na si Jo Berry at nakasama pa ang dalawang mahuhusay na actress, sina Nora Aunor at Cherie Gil.
Nasundan agad ito ng bagong Afternoon Prime drama na “Prima Donnas” na biro namin sa kanya, siya lamang ang bidang lalake.
“I’m really grateful sa tiwala ng GMA sa akin, dahil after “Onanay” isang drama series muli ang ibinigay sa akin,” sabi ni Wendell. “Ngayong nagti-taping na kami, nakita kong ibang-iba ito at naiisip kong para ito iyong drama series na “Yagit,” at iba-iba ang emosyon na ipakikita ko. Salamat kay Direk Gina Alajar dahil igina-guide niya ako.”
Muli silang magkakasama ni Aiko Melendez na sa story ay obsessed sa pagmamahal sa kanya ang character. Sa mediacon, biniro si Wendell kung totoong may ‘something’ daw sa kanila ni Aiko, na katulad niya ay lumipat na rin sa GMA.
“Ay wala. Yes, magkasama kami sa last project namin sa kabila, pero walang katotohanan na may something kami. Very good friends kami ni Jomari Yllana na alam naman nating first husband niya, iisa ang manager namin noon, ang namayapang si Tito Douglas Quijano. Naging mga best friends kami hanggang sa ngayon.”
Kahit nagsimula si Wendell sa GMA, nagtrabaho din siya sa TV 5 at ABS-CBN.
“Pero this time, dito na lamang ako sa GMA, definitely, dito na lang ako.”
Napapanood na ngayon ang “Prima Donnas” araw-araw pagkatapos ng “Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.”
STARSTRUCK FINALISTS DOWN TO SEVEN
SEVEN na lamang ang finalists ng “StarStruck” matapos tuluyan nang matanggal sa competition si Jeremy Sabido last Sunday, August 18. Apat pa ang natitira sa mga girls, sina Shayne, Pamela, Dani at Lexi. Sa mga boys, sina Kim, Allan at Abdul. Nalalapit na sila sa pagpili ng magiging Final 4, at sa natitirang tatlong linggo, every Saturdays at Sundays, malalaman na kung sino ang magiging Male at Female Ultimate Survivors sa kanilang apat.
Kaya, boto na kayo kung sino ang gusto ninyong manalo.
Comments are closed.