SISIMULAN ngayong araw, Linggo, Enero 5 ng Kapuso Network ang bagong pasabog sa Bagong Taon, isang all-out entertainment show with the brightest Kapuso stars for the hottest musical-comedy-variety program, ang “All-Out Sun-days” from 12NN to 2:30PM.
Tinawag ding #AOS, All-Out Sundays, muling bibigyan ng viewing experience ng bawat tahanang Filipino with its world-class musical performances, exciting games and live sitcom every week na siguradong magbibigay ng good vibes at kilig sa mga manonood.
Watch out for the exceptional performances to your Sunday Musikomedya Alden Richards, Julie Anne San Jose, Christian Bautista, Aicelle Santos, Mark Bautista, Rayver Cruz, Ken Chan, Rita Daniela, Gabbi Garcia, Derrick Monasterio, Miguel Tanfelix, Kyline Alcantara, Migo Adecer, Mavy Legaspi, Cassy Legaspi and JD Domagoso.
Idagdag pa sa show ang first The Clash grand champion Golden Cañedo, Garrett Bolden, Jong Madaliday, The Clash Season 2 grand champion Jeremiah Tiangco at first runner up Thea Astley kasama ang StarStruck 7 Ultimate Survivors na sina Kim De Leon at Shayne Sava.
With their brand of comedy are versatile Kapuso stars Paolo Contis, Glaiza De Castro, Betong Sumaya, Kakai Bautista, Boobay, Super Tekla at Lexi Gonzales.
Sabay ilulunsad ang all-male dance group ng limang kabataang heartthrobs na sina Vince Crisostomo, Karl Aquino, Radson Flores, Abdul Raman at Kim De Leon.
Ang “All-Out Sundays” ay sa ilalim ng creative directors na sina Caesar Cosme at Rommel Gacho, creative consultants na sina Perry Lansigan at Paolo Valenciano, headwriter for musical Rommel Gacho, headwriter for Sitcom Vince De Jesus, stage director Rem Zamora at TV director Miguel Tanchanco.
MGA NOMINADO SA 24TH ASIAN TV AWARDS
INAASAHANG pinakamahuhusay at maningning na mga artista ang nominado sa 24th Asian TV Awards (ATA) na gaganapin sa Filipinas sa unang pagkakataon sa Newport Performing Arts Theaters sa Resorts World Manila sa Pasay mula Enero 10 hanggang 12, 2020.
Nakatanggap ng 20 nominasyon ang Filipinas sa iba’t ibang kategorya, tulad ng “Best Leading Male Performance – Digital” (para kay Martin Del Rosario, “Born Beautiful” ng Cignal TV), Best Actress in a Leading Role (para kay Julie Ann San Jose sa animated series ng GMA-7 na “Barangay 143”). Nominado rin ang news anchors na sina Cathy Yang at Cito Beltran para sa kategoryang “Best News Presenter or Anchor”.
Ilan din sa mga nakatanggap ng karangalan sa ATA ang mga iba’t ibang artista sa Asya, tulad nila Purim Rattanaruangwattana at Attaphan Poonsawat ng Thailand na nominado sa kategoryang “Best Actor in a Supporting Role”, ang mga Taiwanese na aktor na sina Nicolas Teo at William Hsieh na parehong nominado para sa “Best Actor in a Leading Role” at si Kim Hye-Ja na may nominasyon sa kategoryang “Best Actress in a Leading Role”.
Ang mga magwawagi sa ATA ay ihahayag sa award ceremonies na gaganapin sa Enero 10 at Enero 11, 2020. Inaasahang magho-host sina Mark Neumann at Cathy Yang sa pagdiriwang, kasama ang Thai model-actress na si Ase Wang at ang Singapore-an personality Wallace Ang. Magkakaroon ng red carpet event sa pangalawang araw ng ATA kung saan inaasahan ang daan-daang mga artista ang dadalo.
Isang konsiyerto naman ang magtatapos sa pagdiriwang sa Enero 12, 2020 na pangungunahan ng Indonesian singer na si Anggun, kasama sina Martin Nievera, Kris Lawrence, 4th Impact, at Morisette.
Para sa kumpletong listahan ng mga nominado sa 24th Asian TV Awards, bisitahin ang kanilang website: https://www.asiantvawards.com/nominees/2019-nominees.
ER EJERCITO AS EMILIO AGUINALDO AGAIN IN ‘MALVAR’
MULING gaganap na Emilio Aguinaldo ang dating Gobernador ng Laguna na si Gov. ER Ejercito sa pelikulang “Malvar” na tunay na kasaysayan ng buhay ng Pambansang Bayaning Heneral Miguel Malvar. Ito ay produce ng kanyang apo na si Atty. Jose Malvar Villegas, Jr., pinuno ng JMV Film Production at isa sa nagtatag ng Kaanak ng mga Bayani ng Himagsikang Pilipino 1896 (KAANAK 1896) at ng Citizen Crime Watch (CCW).
Ang “Malvar” ay pangungunahan ni Sen. Manny Pacquiao bilang Heneral Malvar at kasama ang pinakamalaking all-star cast sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino na ipinagdiwang kamakailan ang ika-100 taong anibersaryo.
Ipakikita sa pelikula ang kalupitan ng mga Amerikano noong 1899-1902, Fil-Am War kung saan namuno sa puwersang Pilipino si Heneral Malvar bilang Supreme Commander na pumalit kay Heneral Aguinaldo.
Daang libong sibilyan ang napatay ng mga Amerikano sa Digmaang Pilipino-Amerikano na makikita sa pelikulang ito.
Sa larawan, mula sa kaliwa ay ang movie director na si Jose “Kaka” Balagtas, Atty. Jose Malvar Villegas, Jr., former Laguna Gov. ER Ejercito, Camarines Sur Vice Gov. Imelda Papin, “Malvar” line producer at Presidente ng Actors Guild of the Phils., at Amay Bisaya na gaganap bilang Heneral Macario Sakay.
Comments are closed.