SINORPRESA ni Multi-Media Actor na si Alden Richards ang bonggang christmas party ng kumpanyang “Wheeltek”. Imbitado ang buong Luzon branches kaya naman punong-puno ang Crystal Wave event center sa Talavera, Nueva Ecija.
Isang malaking sorpresa talaga ang nangyari dahil hindi alam ng mga tao na si Alden ang malaking artista na magiging guest nila. Ang alam lang nila, may artistang darating at makikisaya sa kanila.
Noong lumabas na sa stage si Alden upang maghandog ng awitin, ayun na! Nagkagulo na at kanya-kanyang hiyawan at tilian na ang nangyari. Si Alden naman, habang kumakanta ay bumaba sa stage at lumapit sa mga tao kaya lalong nagkagulo. Halik at yakap at selfie ang nangyari. Dinumog talaga ang super sikat at guwapong aktor.
Nilapitan din ni Alden ang matriarch ng mga Odulio kung saan sa sobrang tuwa ay naiyak ito.
Si Alden din ang bumunot sa raffle kung saan napakaraming motorsiklo ang ipinamigay.
Tuwang-tuwa ang mga tao kay Alden na sobrang bait at walang reklamo kahit na nagigitgit na siya sa dami ng mga tao. Maging ang mga owner ng “Wheeltek” na sina Rosco at Raymond Odulio ay tuwang-tuwa rin kay Alden. Hindi kami magtataka kung si Alden na ang magiging endorser nila after Luis Manzano.
SINGER TV HOST MALAMANG IWAN NA NG KANYANG PAPA
ISANG araw ay magugulat na lang tayo kapag iniwan na ni guwapong hunk (GH) si singer-TV host. (STH). Ayon sa source namin, humahanap lang ng tiyempo si GH na sabihin kay STH na ayaw na niya.
Non-showbiz kasi si GH pero malakas talaga ang dating nito sa mga girls. Palibhasa’y bata pa kaya kahit may mga anak na ito, pinagkakaguluhan pa rin ng mga girls. Dahil buhay-binata mahilig gumimik si GH at sa isang bar nga sila nagkita at nagkakilala ni STH.
Super attracted daw agad si STH kay GH na super papansin that time. Si GH naman since kilala si STH at nice naman daw ito, naging friends agad sila na nauwi nga na naging sila na.
Okey naman daw nu’ng umpisa pero lately ay nasasakal na si GH kay STH. Saka ayaw raw na pinag-uusapan siya dahil hindi naman siya showbiz. Napilitan nga lang daw itong lumabas at magpa-interbyu sa TV dahil sa birthday ni STH. Pero sa totoo lang, ayaw na ayaw raw nito. As much as possible, gusto pa rin nitong maging pribadong tao dahil sa mga anak.
Sa kapipilit ni STH na isama siya lagi, napapabayaan na raw nito ang negosyo. Minsan ay si STH na ang nagpapatakbo ng buhay niya. Kaya, sinabi raw nito na ayaw na niya at isang araw ay sasabihin niya ito kay STH.
Paano kaya tatanggapin ni STH iyon? Eh ipinagsisigawan na niya sa buong mundo na si GH na ang forever niya at nagmamahalan sila. Kahit nga ayaw nu’ng anak ni STH kay GH, walang pakialam si STH dahil maligaya at masaya siya sa piling ni GH.
Naku, aabangan natin ang susunod na kabanata sa buhay ni STH at ni GH. Kapag nagkahiwalay sila, tiyak na malaking usapan iyon.
SHORT FILM NA ‘PUTOL’ MAY PREMIERE SA JAPAN
MAGKAKAROON ng premiere night ang short-film na “Putol” sa Japan sa December next week na dinirek ng aming kaibigan na si Direk Dave Cecilio na pinagbibidahan ni “Eat Bulaga Macho Man” Marlon Marcia. Prodyus ito ng mga Pinay sa Japan na married sa mga Hapon.
Sold out na raw ang tiket na 3k ang katumbas ng halaga dito sa atin.
Kakaiba ang kuwento ng “Putol”, story ng isang Pinoy na nagtrabaho sa Japan upang hanapin ang Tatay niyang Hapon. Lahat ng trabaho ay pinasok niya pati ang pagma-macho dancer.
May mga kinunan din dito sa Filipinas at ilang eksena sa Japan. Biggest break ito ni Marlon sa kanyang career as an actor kaya naman excited siya na dumalo sa premiere night.
Comments are closed.