ALDEN RICHARDS MAY APAT NA SANGAY NA NG CONCHA’S GARDEN

LAST Thursday, May 30, ang formal reopening ng third branch ni Pambansang Bae Alden Richards ngshowbiz eye Concha’s Garden Cafe sa Silang, Cavite. Ang nasabing restaurant ay unang pag-aari ni Gemma Sembrano, ang business partner ni Alden na binili na niya. Nagkataon namang nagkaroon ng road widening sa lugar kaya naapektuhan ito at kinailangang ipa-renovate ni Alden at ngayon nga lamang ito puwede nang buksang muli.

Noong Tuesday, May 28, ginawa naman ang blessing ni Fr. Jeff Quintela, with Alden and  Gemma na magkasama sa pag-cut ng ribbon. Bale iyon na rin ang soft opening ng resto, at pagkatapos ng blessing at paghahagis ng coins, hinarap na rin ni Alden ang mga guest na dumalo. Naging open sa TV interviews si Alden.

Inamin ni Alden na ang food business talaga ang naisipan niyang paglagyan ng mga kinikita niya sa showbiz.  Biro niya three times a-day kumakain ang mga Pinoy. Pinag-aralan daw muna niya iyon at humanap siya ng ka-partner sa business na maaasahan niya at si Gemma nga raw iyon.  Si Gemma ay isang chef at husband niya ang brother ng broadcaster na si Bernadette Sembrano.  Kaya kahit busy si Alden sa showbiz commitments niya at kahit siya lumalabas ng bansa, hindi siya nagwo-worry dahil may na-pagkakatiwalaan siyang naiiwan sa kanyang business.

Sa lahat ng ito labis-labis ang pasasalamat ni Alden sa mga blessings na dumarating sa kanya at pasasalamat sa mga sumusupor-ta sa kanyang business.

Sa Saturday, June 1 naman ang opening ng fourth branch ni Alden, ang Concha’s Garden Cafe sa Tagaytay Highlands na sabi ay exclusive para sa mga lot owners ng Tagaytay Highlands.  Ang dalawa pang Concha’s Garden Cafe ni Alden ay sa Tagaytay Cliffhouse at sa Sct. Madrinan, Quezon City.

Congratulations, Alden!

MAX COLLINS NAGPAPASALAMAT SA DALAWANG ACTING NOMINATIONS

MAX COLLINSLABIS-LABIS ang pasasalamat ni Max Collins sa dalawang acting nominations na natanggap niya, para sa mga ginawa niyang mo­vies last year, ang “Rainbow Sunset” at “Citizen’s Jake.”  Nakausap namin si Max sa set ng “Bihag” na kasama niya sina Jason Abalos, Sophie Albert at Mark Herras.

“Sobrang saya ng feelings at much appreciated ang mga natanggap kong nominations na parang feeling ko, everybody deserved the award than me. Unexpected surprise po iyon sa akin,” nakangiting sabi ni Max.

Binati rin si Max dahil sa pagtaas ng rating ng kanilang drama series.  Hindi ba sila napapagod ni Sophie sa catfights nila sa mga eksena?

“Nakakatuwa nga po na sinusubaybayan ng mga netizens ang a­ming show. Iyong mga ganoong eksena po yata ang gusto nila.  Salamat po, pero team effort kami talaga tuwing may taping kami.  Totoo namang nagkakaroon kami ng mga pasa, galos, dugo, pero hindi po namin pwedeng dayain ang eksena. Bago kami nagti-take, pinag-uusapan muna naming mabuti ni Sophie ang gagawin.  Game po kami pareho.”

Biniro naman si Max kung nanonood siya ng teleserye ng husband niyang si Pancho Magno, na kasunod nila, ang “Dahil sa Pag-ibig?”  Ayaw raw ni Pancho na manood siya ng serye nila ni Sanya Lopez.  Pero good boy raw ang husband niya.

Ang “Bihag” ay napapanood everyday after ng “Dragon Lady.”

Comments are closed.