ALDEN RICHARDS MAY HAMON SA PAGHAHANAP NG ‘BIDA KID’ SA ‘CENTERSTAGE’

INAMIN ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards na malaking challenge sa buzzdaykanya ang pagho-host  ng pinakabagong competition ng Kapuso Network in their quest to find the Bida Kid in “Centerstage” na magsisimula sa Lunes, February 16.

Dahil first time ni Alden na magho-host ng ganitong kompetisyon, ibinahagi niya na excited siya and at the same time thrilled to get up close and personal with the aspirants.

“It’s something new for me, it’s going to be different, ‘yun po ang challenge sa akin dito, how to deal with kids, kung paano sila mag-isip, paano ko gagawing magaan ‘yung naging desisyon ng judges at ng mga tao,” say ng Pambansang Bae.

Kapuso viewers are in for a unique watching experience as extremely talented kids sing and move forward in achieving their dreams in “Center-stage.”

As host, Alden will take the audience through the contestants’ tough yet fun journey sa paghahanap kung sino ang may charm at vocal prowess para maiuwi ang titulo at magagandang prizes na nakahanda para sa mananalo.

Alden will be supported by Betong Sumaya as journey host. Bukas ang  Centerstage sa mga batang aspiring performers na may edad 7-12 mula sa iba’t ibang panig ng bansa para ma­kipagpaligsahan sa isa’t isa at mag-unahan sa kalaban sa series of vocal performances until only one remains.

“Sobrang excited ako, hindi naman araw-araw makakakita ako ng ganito kagagaling na mga bata kaya I’m so thankful for this opportunity. To be able to watch these contestants showcase what they’ve got, amazing talaga,” bahagi ni Betong.

Sasamahan din sina Alden at Betong ng tatlong outstanding personalities in the entertainment industry here and abroad bilang judges: Kapuso Diva and international singer-artist Aicelle Santos, renowned musical director Mel Villena, and Concert Queen Ms. Pops Fernandez.

Para kay Aicelle, nakahanda siya sa challenge na gabayan ang aspiring artists, “Lahat ng tumatayo riyan sa stage, nangangarap na makilala bilang isang mang-aawit, and for me, I’m very particular in choosing my words because you don’t want to discourage them.”

Inaasahan naman ni Mel na ang judging  ay magiging masaya yet tricky, “Kasama doon sa fun ay ‘yung some kind of technical sa pag-awit. Ako’y musical director, hinahanap ko talaga ‘yung talent ng bata at ‘yun ay dapat solid.”

Inihayag naman ni Pops ang kanyang  eagerness para makadiskubre ng talent sa bawat contestant, “Hindi tayo nagpapahuling mga Pilipino when it comes to talent, I’m excited to see the kids, I’m curious to see how good the turn out will be.” Although magiging maingat sila sa sasabihin sa mga bata, dapat aniya kung hindi man umabot sa centerstage, ay ma-inspire pa rin sila at hindi makatanggap ng discouraging words kasi baka ma-trauma.

Ngayon pa lang, excited na silang lahat kung sino ang aabot sa most coveted spot of all – ang Centerstage.

Nasa direksiyon ni Louie Ignacio, sundan ang journey ng mga batang contestant sa Centerstage, na magsisimula na ngayong Linggo, February 16 ang every Sunday thereafter at 7:40 p.m., on GMA.

Mapanonood din ng Kapuso viewers from across the globe ang kanilang paboritong Kapuso shows via GMA’s international channels GMA Pinoy TV, GMA Life TV, and GMA News TV International. For the program guide, visit www.gma­pinoytv.com.

PRODUCER NG ‘MALVAR’ NAGPUGAY SA KABATAAN NG BAYAN

NAGPUGAY sa Kabataan ng Bayan ang producer ng pelikulang “Malvar” na si Atty Jose Malvar Villegas, Jr., (may hawak ng mikropono sa larawan), apo ng Pambansang Bayani na si Hen. Miguel Malvar at pangulo ng Labor Party Philippines (LPP).

Naganap ito sa okasyon ng pagdiriwang ng Philippine-American War Memorial Day ka­makailan sa pulong ng LPP political officers sa Max’s Restaurant Ermita, Manila na dinaluhan ng mahigit 500 LPP political officers mula sa iba’t ibang dako ng bansa.

Ani Villegas, ang Kabataan ng Bayan ay kahanga-hanga dahil sa kanilang kagitingan nang sumiklab ang digmaang Pilipino-Amerikano noong 1899-1902.

Ayon pa kay Villegas, ang kasaysayan ng mga rebolusyon sa iba’t ibang bansa ay pinamunuan ng kabataan tulad nina Bonifacio, Hen. Malvar, Hen. Gregorio Del Pilar, Hen. Emilio Jacinto at iba pa, sa panahon naman ng pamamalakad ng pamahalaan sa pangkaraniwang panahon sa ilalim ng isang demokrasya, ang mga tanyag na leader ng bansa ay iyong mga nakatatanda tulad ng magaga­ling na Pangulo tulad nina Manuel Quezon, Sergio Osmeña Sr., Manuel Roxas, Elpidio Quirino, Carlos Garcia, Fidel Ramos at Rodrigo Duterte.

Kaya dagdag ni Villegas, sa 2020 ay mu­ling ikabubuti ng bansa kung ang mamumuno sa Filipinas ay isa ring nahahanay sa mga leader ng katandaan tulad sa ibang bansa na ang mga leader na magagaling ay pawang matatanda tulad nina Winston Churchill ng England, Charles de Gaulle ng France, Konrad Adenauer ng Germany, Mao Zedong, Dwight Eisenhower at Ronald Reagan at Franklin Roosevelt ng Amerika, Chiang Kai Shek at Dr. Sun Yat-sen ng China, Sukarno ng Indonesia, Syngman Rhee ng Korea, Mahathir Mohamad ng Malaysia, Gen. Francisco Franco ng Spain at Lech Walesa ng Poland.

Samantala, si Atty. Jose Malvar Villegas, Jr., maliban sa pagiging pangulo ng LPP, ay ang producer ng JMV Film Production, para sa pelikulang “Malvar” na magbibigay-buhay sa kasaysayan ng magiting na bayaning si Hen. Miguel Malvar na pagbibidahan ni People’s Champ Manny Pacquiao.