SA kabila ng busy schedule ni Alden Richards sa taping ng new teleserye niyang “Victor Magtanggol,” naisingit pa rin niyang mag-taping ng Philippine Independence Day episode ng “Daig Kayo Ng Lola Ko” hosted by Ms. Gloria Romero. Buhay ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal ang featured story at sino pa nga ba ang bagay gumanap sa kanya kundi ang ating Pambansang Bae, Alden Richards. Min-san na ring gumanap si Alden sa role na ito sa “Ilustrado” isang documentary ng GMA News & Public Affairs sa buhay ni Jose Rizal.
Kaya don’t miss sa Linggo, Hunyo 10 ang “Daig Kayo Ng Lola Ko,” directed by Rico Gutierrez, pagkatapos ng “24 Oras Weekend.”
REGINE, CHRISTIAN AND JULIE ANNE ‘DI LANG
KAKANTA KUNDI MAGTSITSISMIS PA SA DUBAI
NAGBIGAY ng oras after ng rehearsals nila ng “3 Stars, 1 Heart” concert, sina Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista, Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose and Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid ng chikahan with some entertainment press.
Ang concert ay magaganap sa Hunyo 16, 2018 sa Dubai World Trade Center, produced by GMA Pinoy TV with partner carrier OSN.
Pangatlong beses nang magbibigay saya sila sa mga kababayan natin, here and abroad. Pare-pareho ba ang iparirinig nilang repertoire sa mga manonood nila?
“Basically the same show,” sagot ni Christian. “Pero may mga request silang ibang OPM songs, kaya iyon ang pinaghahandaan namin ngayon.”
“Maganda nga kasi sa kanila na rin nanggaling, dahil gusto namin ibigay sa kanila ang gusto nila, since alam naming sabik sila sa mga awiting Pinoy, lalo na kung matagal na silang nagtatrabaho sa Dubai,” wika ni Regine.
“Magdu-duet po kami ni Christian ng “Perfect” at kakantahin naming tatlo ang “I Can,” sabi naman ni Julie. “Isa pa naming idinagdag na song ang “Hanggang Ngayon.”
Mas solid daw ang kanilang show this time, dahil gamay na nila ang mga ginagawa nila. Biro pa nina Regine at Christian, dahil si Julie Anne ang pina-kabata, may dance number din daw ito.
“Isa pa naming paghahandaan, bago kami humarap sa kanila, magbabasa kami ng latest showbiz tsismis, alam naming sabik silang makabalita ng mga nangyayari sa atin dito. At ang fans abroad, very receptive sila kung ano ang napapanood nila. Napag-usapan sana namin ang tungkol sa pagbi-video nila sa amin habang nagsu-show, pero hindi namin aalisin sa kanila iyon. Tinanong kasi namin, bakit sa halip na i-enjoy nila ang panonood sa amin at ma-experience ang concert, mas gusto nilang kumuha ng video, kasi raw para kahit tapos na ang concert, at every time na gusto nilang muling mapa-nood, bubuksan lamang nila ang cellphones nila at mababalikan nila ang mga napanood nila.
Ipagkakaloob din ni Regine sa seven lucky winners ng “Regine by Request” ang songs na hiniling nila at isi-serenade sila ni Regine on stage, kasama sina Christian at Julie Anne.
Gates open at 3:00 PM. May meet & greet with the stars ang fans after the concert.
For ticket inquiries, e-mail [email protected] or call +971-4435-9434, +971-56-685-9351 or +971-52-993-1164
Comments are closed.