ALDEN RICHARDS NAG-DONATE NG DUGO

NAG-PARTICIPATE muli si Pambansang Bae Alden Richards sa #KapusoBloodletting2019 last Friday afternoon, Februaryshowbiz eye 8, tulad nang lagi niyang ginagawa kapag may blood letting ang Kapuso Foundation headed by Ms. Mel Tiangco, sa pakikipagtulungan ng Philippine Red Cross.

Ipinakita ni Alden ang isang bag ng blood na may tatak na O.  Doon nalaman na type O pala ang blood niya.  Sabi ni Alden: “Universal donor po ako, I’m an O+, so puwede po sa lahat ng blood types.”

Doon din nalaman na premature baby pala si Alden: “Kasi I was premature when I was born so kaila­ngan ko ng blood transfusion.”

Kaya maraming nag-comment, na premature pala si Alden kaya lagi siyang nagdo-donate ng dugo kapag may campaign ang Kapuso Foundation, Inc., may soft spot daw pala si Alden sa mga ganitong proyekto. Since naging malusog naman si Alden sa paglaki niya kahit isinilang siyang premature may mga isinilang ding premature na sana raw ay magkaroon din sila ng courage na mag-donate ng dugo.  Donating blood daw is such a noble act kaya sana raw bumait din ang masasalinan ng dugo ni Alden. May natutunan din ang iba na akala nila kapag premature baby, lumalaking weak sa lahat ng bagay, hindi raw pala at best example nga raw si Alden.

TOMBOY NAG-PROPOSE NG KASAL SA ISANG BADING SA PROGRAMA NG EAT BULAGA

MAY maganda na namang naganap sa “Eat Bulaga” kahapon, sa “Boom” segment hosted by Bossing Vic Sotto kasama ang mga financiers na sina Alden Richards at Jose Manalo.  Mga special contestants si Mon Gutierrez at ang mga nieces niyang sina Lorin at Venice.  Kung nabigla ang audience sa pagputok ng dalawang bomb, mas na-BOOM sila nang biglang nag-propose ng kasal ang contestant na si Karla kay Emman sa harap ng studio audience.  Si Karla ay lalaki at si Emman ay babae na magkarelasyon. Tinanggap ni Emman ang proposal ni Karla at dagdag pang pasabog, 6 weeks preggy na pala si Emman.  Hiniling ni Karla na maging ninong nila sa kasal sina Bossing Vic at Alden.

Shocked na natuwa naman sina Mond, Venice at Lorin sa nasaksihan nila.

BIANCA UMALI, JASMINE CURTIS SMITH AT MIGUEL

TANFELIX HIRAP SA DANCE WORKSHOP NG KATUTUBO

BIANCA UMALI, JASMINE CURTIS SMITH AT MIGUELMALAPIT nang mapanood ang “Sahaya” isang teleserye na magpapakita ng kultura at tradisyon ng mga Badjao, kaya naman, kinailangang kumuha ng diving lessons at mag-dance workshop ang mga lead stars na sina Bianca Umali, Miguel Tanfelix at Jasmine Curtis-Smith.

“Medyo po mahirap sa simula,” sabi ni Bianca. “Pero nag-enjoy po kami kahit sa open seas kami nag-aral lumangoy kasi mahilig naman akong mag-beach at ang ganda ng ilalim ng dagat.”

Sa dance workshop, doon daw sila medyo nahirapan.  “It looks easy but it is really not.  We don’t treat it as a dance, it is actually a prayer.  Kailangan po talagang pag-aralang mabuti.”

“I’m definitely excited kasi you really have to be specific sa mga information or facts na ibibigay natin sa story,” sabi ni Jasmine.  “At kung paano ko rin siya ipu-portray.”

Comments are closed.