LIBO-LIBONG likes and comments ang nakuha ng post ni Pambansang Bae Alden Richards habang naglalakad siya sa Manhattan in New York last Monday evening. Caption niya kasi: “The ‘wag-pahalata-gutom-face while walking around Manhattan.”
Isinabay na kasi ni Alden sa katatapos nilang “Kapuso Musikalye sa Brooklyn” concert last May 11 ng GMA Pinoy TV sa New York, ang pictorial niya, a collaboration with fashion designer Avel Bacudio para sa isang clothing line. Isinagawa nga nila ito sa ilang lugar sa New York, na natiyempo rin naman na maulan kaya bumagay sa concept ng pictorial.
Trim na trim nga kasi si Alden, dahil sa character niyang si Ethan sa “Hello, Love, Goodbye” at hindi pa siya makapag-shave at ibalik sa dati ang katawan niya dahil hindi pa sila tapos ng shooting ni Kathryn Bernardo para sa first team-up nila sa Star Cinema.
Kaya naman heto ang ilang captions sa post: @kathyy619” ikaw lang yata ang gutom na guwapo…” @eflapid02 Sa lahat ng gutom face ikaw ang pogi RJ, how to be you” @faulkersonstories “I admire the discipline though! You’re looking best. Maintain na lang and you can go back to a more forgiving diet” @a4teacups_and_more “It’s like the Alden years ago. Looked so young here despite having facial hair.”
For sure, pagbalik ngayon ni Alden ay balik-shooting siya at balik-kain na rin siya ng paborito niyang food na miss na miss na raw niya.
OYO SOTTO NAG-POST NG PASASALAMAT PARA SA KAPATID NA SI VICO
KITA ang pagkakasundo-sundo ng mga anak ni Bossing Vic Sotto, kahit iba-iba ang mga nanay nila, nang si Oyo Sotto, panganay ni Vic kay Dina Bonnevie, ay siya pang nag-post ng pasasalamat ng younger brother na si Vico Sotto, na anak ni Vic sa actress na si Coney Reyes, nang manalo itong Mayor ng Pasig sa katatapos na MidTerm Elections. Tinalo ni Vico ang mga Eusebio na 27 years nang nakaupo sa Pasig.
Post ni Oyo ng pasasalamat ni Vico: “Maraming salamat. Sa lahat ng nagbigay ng tiwala, sa mga bumoto, at sa mga nakiisa sa ating laban… maraming, maraming salamat.
“Sulit po ang pagod at effort natin. Narinig na ng bayan ang ating tinig. Handa na ang Pasig para sa tunay at pangmatagalang pagbabago!
“Naghihintay na lang po kami ni Cong. Roman (Romulo) ng official proclamation mula sa Comelec.” – Mayor Vico Sotto.”
Naproklama na ngang Mayor si Vico at Vice Mayor si Roman Romulo morning of May 14. Matatandaan na nang mag-file ng candidacy si Vico noon, hindi na pinayagan ng incumbent mayor ng Pasig na maghatid ng saya ang Juan For All All For Juan sugod-bahay ng “Eat Bulaga” saan mang lugar sa Pasig City.
GMA NEWS AND PUBLIC AFFAIRS NON-STOP REPORTING NG ELEKSIYON 2019
KUDOS sa bumubuo ng GMA News and Public Affairs sa comprehensive special coverage na ginawa nila sa katatapos na “Eleksiyon 2019.” Non-stop talaga ang pagri-report nila sa mga pangyayari as early as 4:30 am ng May 13 at tumagal ito hanggang 10:00 am ng May 14. Nanguna sa mga news personalities nila, may mga invited guest din silang tumulong mag-explain at sagutin ang mga tanong tungkol sa kaganapan ng eleksiyon.
Comments are closed.