CONGRATULATIONS kay Pambansang Bae Alden Richards sa tagumpay na nakamit niya sa katatapos ng 2017 Star Awards for Music mula sa Philippine Movie Press Club. Nakatanggap ng nine (9) nominations si Alden at tatlo ang nakamit niya sa awards night na ginanap sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila last Sunday, September 9.
Natanggap niya para sa kanyang album na “Say It Again” from GMA Records ang Album of the Year, Pop Album of the Year at Male Pop Artist of the Year. Hindi nakadalo si Alden sa awards night, pero mabilis siyang nagpasalamat nang malaman mula sa GMA Records ang mga natanggap niyang awards, sa pamamagitan ng kanyang Instagram story sa pamunuan ng PMPC “Maraming salamat po, PMPC.”
Samantala, tuloy-tuloy ang taping ni Alden ng “Victor Magtanggol” kasabay na rin ng rehearsals at VTRs niya para sa coming concert niyang “Adrenalin Rush” sa Kia Theatre on September 21. Thankful si Alden nang pumayag na mag-guest sa concert niya sina Ms. Regine Velasquez-Alcasid at Ms. Ai Ai delas Alas, with Rodjun Cruz, Ex Battalion, One Up and some more special guests.
Nagpasalamat din si Alden sa mga sumusubaybay sa kanyang action-drama-fantasy series at sa mga advertisers dahil ilang gabi na itong nagtatala ng more than 50 advertisements, nangangahulugan na sinusuportahan nila ang serye na napapanood gabi-gabi pagkatapos ng “24 Oras.”
GOV. IMEE MARCOS UMAMIN NA NAPAGOD
NANG MANOOD NG ‘ANG PROBINSIYANO’
TINAWAG na pala ni Governor Imee Marcos of Ilocos Norte na teleserye capital of the universe ang kanilang lugar dahil napakarami nang nagawang movies and teleseryes, here and abroad ang Ilocos Norte, kasi in-open niya ang mga locations doon na libre dahil nakakatulong pa rin sila sa income ng probinsiya nila.
“Kami na ang nakikipag-usap kung aling lugar o bahay na gagamitin nila sa taping or shooting,” sabi ni Gov. Imee sa pakikipagtsikahan niya sa mga entertainment press na mas gusto raw niyang pag-usapan ang showbiz kaysa politika. “Hindi na malilimutan sa lugar namin ang ilang beses na nag-shooting si Fernando Poe Jr. ng “Panday,” then iyong shooting ni Nora Aunor ng “Himala.” Hanggang ngayon may mga palatandaan pa kami roon ng mga lugar na ginamit nila saka iyong rebulto ni Nora bilang si Elsa.
“Ilang foreign movies na rin ang nai-shooting sa aming lugar, iyong “Temptation Island” nakadalawang shooting na rin sa amin. Nakatutulong iyon sa income ng province at marami ring Ilocanos na kumikita sa pagtitinda nila roon ng mga product at pagkain namin. Iyon nga lamang huminto na ako nang pagpanood ng “Ang Probinsyano” ni Coco Martin, napagod na ako, parang walang katapusan.”
Madalas daw ay sa Netflix na lamang siya nanonood ng sine dahil madalas siyang bumibiyahe. Napanood ba niya ang “Crazy Rich Asians” at alam ba niyang kasama sa cast si Kris Aquino?
“Hindi ko pa napapanood pero nabasa ko na ang libro and it’s hilarious. I think its a real game changer. At least pasok na ang mga Southeast Asian sa Hollywood.”
Tungkol sa politics, napag-usapan na raw ng pamilya nila na siya na ang kakandidatong Senador sa darating na eleksiyon dahil wala pang linaw ang election protest ng nakababatang kapatid na si former Senator Bongbong Marcos.
Comments are closed.