LAST Saturday, may mall show si Alden Richards at ang cast ng inspirational drama series niyang “The Gift” sa CSI Dagupan Mall sa Dagupan City. Nagbigay saya sila roon nina Martin del Rosario, Mikee Quintos, Mikoy Morales at Ysabel Ortega.
Since nasa Dagupan na si Alden, tumuloy na siyang umakyat ng Baguio City, dahil isa siya sa entourage sa garden wedding nina Joyce Ching at Kevin Alimon. Pero hindi pala maagang umakyat ng Baguio si Alden para magpahinga kundi para ibigay na nila ng fashion designer na si Avel Bacudio ang maaga nilang papasko sa mga batang bulag ng Benguet na naging beneficiary ng proceeds ng kanilang fashion shows na lahat ng kinita ay ibinigay nila sa foundation na kumukupkop sa mga batang bulag.
Malapit sa puso ni Alden ang mga batang bulag dahil sa pagganap niya bilang si Sep sa “The Gift.” Alam ni Alden ang hirap ng maging isang bulag, lalo na noong bago lamang siyang gumagamit ng contact lens at hirap siyang umarte.
Ang “The Gift” ay napapanood gabi-gabi sa GMA 7 pagkatapos ng”Beautiful Justice.”
JOMARI YLLANA IPINASA SA PANGANAY ANG PABORITONG PANG-CAR RACING
NANG makausap ng entertainment press ang actor-politician na si Jomari Yllana sa paglilinaw niya sa mga issues sa kanya ng dating ka-live-in partner na si Joy Reyes, hindi rin nalimutang itanong sa kanya ang tungkol sa eldest son niyang si Andre at ang ina nito, ang actress na si Aiko Melendez.
“Kami ni Aiko, hindi na kami nag-uusap, siguro mga three years na,” sagot ni Jomari. “Pero recently lang, nagkita kami sa Cebu airport at kinausap niya ako, sabi niya, “salamat sa kotseng ibinigay mo kay Andre.” Ibinigay ko kasi kay Andre iyong paborito niyang Toyota Corona na ginagamit ko noon kapag nagko-compete ako sa car racing.
“Si Andre, since July ay hindi kami nagkakausap. No, it’s not true na nagalit ako na lumipat siya ng college course niya sa Don Bosco. From Marketing kumukuha siya ngayon ng Automotive sa Don Bosco, alam ko kasi ako ang nagbayad ng tuition fee niya. Suportado ko si Andre kung ano ang gusto niyang kuning course. Nahilig na rin siya sa automotive dahil nakikita niya na ito ang business na itinayo ko.”
Tini-text daw niya ang anak dahil may gusto siyang pag-usapan nilang mag-ama privately. “Hindi ko alam kung bakit ayaw niya akong sagutin. Binabasa naman niya ang text ko hindi lamang siya sumasagot. Sana ako na ang may kasalanan kaya ayaw niya akong kausapin, pero paano ko malalaman kung wala kaming communication?
“Pero naiintindihan ko siya, magkamukha kami, magkamukha rin kami ng ugali. Iyong ‘pag puno na, nagsa-shot down kami. Mahiyain kasi si Andre.”
May girlfriend na ba si Andre? “Yes, meron na, dalawa na. Iyong una, tumagal lamang ng one week, ayaw na niya, sabi niya magastos daw. May bago na siyang girlfriend.”
Wish ni Jomari na since nagkikita sila ni Andre tuwing birthday nito at tuwing Christmas, sana ay muli silang magkitang mag-ama. “One way or the other magkikita rin kami.” Sana nga ay maging Christmas gift na ni Andre sa amang si Jomari ang pagkikita nila muling mag-ama.
Comments are closed.