MATAPOS ang ilang linggo na ring pagti-taping ni Pambansang Bae Alden Richards ng bago niyang serye sa GMA-7, ipinakilala na rin kung ano ang bago niyang serye, at maghuhudyat muli ng pagbabalik-primetime niya sa Kapuso Network, ang “Victor Magtanggol.” Ano ba ang serye at sino si Victor Magtanggol. Sinagot lahat ito ni Alden nang bisitahin siya sa taping ni Aubrey Carampel at ini-report last Friday, Mayo 25, sa “Chika Minute” ng “24 Oras.”
Ang “Victor Magtanggol” ay isang family drama, adventure and fantasy, na hahamon sa kakayahang umarte ni Alden.
“Si Victor Magtanggol po ay isang simpleng tao na nabigyan ng isang extraordinary mission sa buhay na masusukat ang lahat sa buhay niya,” sagot ni Alden. “Pagsubok sa pamilya, pagsubok bilang kapatid, pagsubok bilang kaibigan, lahat.”
Tinanggap ni Alden ang proyekto dahil first time lamang niyang gagampanan ang ganitong klase ng character na ma tagal na niyang gustong gawin. At ang istorya na binuo ng creative team ay higit pa sa kanyang inaasahan.
“Natuwa ako at na-excite kasi ‘yung puso nung character naramdaman ko agad, binasa ko pa lamang ‘yung first week ng script.”
Kaya naman very involve din si Alden sa kuwento at nakikipag-collaborate siya sa creative team dahil gusto niyang hindi lamang ma-hook ang mga manonood tungkol sa kuwento kundi kapulutan din ng aral.
“Yung mensahe na idi-deliver nung project na ito sa mga manonood, mas kailangang napa panahon, mapupulutan ng inspirasyon at saka kumbaga, magiging aspirational.”
Kaya raw makaka-relate ang ating mga Kapuso kay Victor Magtanggol na ang istorya ng buhay ay puno ng drama, action at adventure na sumasalamin sa buhay ng bawat Pilipino.
“Nung ibinigay kasi sa akin itong Victor Magtanggol and then dinescribe ‘yung character niya, ang lakas ng koneksiyon sa mga Pilipino, sa mga Pilipino na may prinsipyo, ‘yung kapag binigyan mo ng… inatasan mong gawin ang isang bagay, paninindigan nila. Gusto namin na kapag pinanood natin, si Victor Magtanggol sa telebisyon, makikita nila ‘yung mga sarili nila.”
In between ng tapings, patuloy sa kanyang workouts at training si Alden, bilang paghahanda sa action scenes na tuloy-tuloy nang kukunan once na-introduce na ang story at ang mga kasama niya sa cast.
More surprises mula sa Team Victor Magtanggol, sa pangunguna ng director nilang si Dominic Zapata.
MARVIN, MAKOY AT BIANCA PATALBUGAN SA EKSENA
PATINDI na nang patindi ang mga eksena ng “Kambal Karibal” at labanan na ng mga characters, pangalingan sila sa acting. Last Friday ay pinatay na ni Raymond (Marvin Agustin) si Makoy (Jeric Gonzales), at nag-trending ito sa Twitter, maraming umiyak sa pagkawala ng character ni Makoy, bakit daw kung sino ang tunay na nagmamahal kay Crisan (Bianca Umali) ay siya pang nawala.
Pero si Crisan, hanggang sa mamatay si Makoy hindi nasabing mahal din niya ito dahil si Diego (Miguel Tanfelix) pa rin ang mahal niya kahit malaki ang kasalanan nito na itinago ang amang si Raymond, ang taong sumira sa kanilang pamilya at halos mapatay silang lahat. Hinihintay din ng televiewers kung paano matutulungan ng multong si Crisel (Pauleen Mendoza) ang kakambal niyang si Crisan laban kay Cheska (Kyline Alcantara). Napapanood ang “Kambal Karibal” gabi-gabi pagkatapos ng “The Cure.”
Comments are closed.