ALDEN RICHARDS PAHIHIRAPAN NI JOHN ESTRADA

JOHN ESTRADA-ALDEN RICHARDS

MARAMI nang excited na mapanood ang action-drama-fantasy ni Alden Richards, ang “Victorshowbiz eye Magtanggol” at nitong Lunes, nakilala na ang buong cast, tulad ng kontrabidang sina John Estrada at Pancho Magno.

“Ako si Loki, ang diyos ng manlilinlang,” sabi ni John.  “Dito ko pahihirapan si Victor dahil madalas ko siyang lilinlangin.”

“Ako naman si Modi, Norse God of Battle” sabi ni Pancho.  “Babalik ako sa kasalukuyan dahil gusto kong makuha ang war hammer of Mjolnir ng a­king ama, maiinggit ako kay Victor bakit ang hammer ay napunta sa isang mortal.”

Mapapanood na ang VM simula sa July 30, 2018.

MIGUEL TANFELIX AT BIANCA UMALI HINAHAMON NG MGA BETERANONG AKTOR

MIGUEL-BIANCAMALAPIT na ang finale week ng family drama na may halong supernatural realm, ang “Kambal Kari­bal,” with young stars Bianca Umali and Mi-guel Tanfelix, kasama ang tinaguriang Nueva Kontrabida, si Kyline Alcantara at si Pauline Mendoza.  Silang apat ang natsa-challenge ng mga ma-huhusay na actor, sina Alfred Vargas, Carmina Villaroel, Marvin Agustin at si Jean Garcia na wala na sa story.

Hindi malimutan nina Bianca at Miguel, na nagsimula sila ng serye na slated lamang para ipalabas ng two months, habang hinihintay nila ang teleserye na dapat ay siyang ipalalabas sa kanilang time slot.  November 27, 2017 iyon, pero ngayon almost nine months na pero napapanood pa rin sila gabi-gabi after ng “The Cure.”

Napakarami na ngang nangyaring mga eksena, pero ngayon lalong nahahamon ang acting ng apat na young stars, especially sina Miguel at Bianca.  Mahirap ba sa kanila na kailangan na nilang more mature ang atake nila sa mga character nila ngayon?

“Medyo po, kasi ako as Crisan, pinagbigyan ko lahat ang mga kapritso ng kakambal kong si Crisel (Pauline),” sabi ni Bianca.  “May sakit kasi siya noong mga bata pa kami at namatay siya, pero hindi siya humiwalay sa akin, dahil kahit multo siya nakikita at nakakausap ko siya.  Noong una, tinu-tulungan niya ako, pero dumating iyong time na gusto na rin niyang ma­ging tulad kong tao.  At doon nagsimula ang galit niya sa akin, pero dahil mahal ko siya ipinagtatanggol ko pa rin siya.”

“Ako naman po as Diego, ay mabait na anak at kahit masama ang tunay kong ama (Marvin), lumaki naman ako sa pagmamahal ng lolo ko (Christo-pher de Leon),” kuwento ni Miguel. “Kahit nasasaktan na ako, pinalaki po kasi ako ng nanay ko na mabait, naging mapagbigay pa rin ako pero ang lagi kong concern ay si Crisan dahil mahal ko siya.”

Pero sa pagpasok nga ng character ni Crisel (Kyline at Pauline) ngayon na nasa katawan ni Cheska, umigting ang labanan nila dahil si Crisel ay ob-sessed sa pagmamahal kay Diego.

“Lalaban na rin po ako kay Crisel na akala ko ay si Cheska kaya hindi maiwasan na magkasakitan na kami dahil kapag sinampal niya ako, gaganti rin ako ng sampal.  Pero pinag-uusapan po naman namin iyon para hindi talaga tumama ang sampal at acting lamang.”

“Mas mahirap po ang kalaban ko, si black lady dahil pumapasok siya sa katawan ko at ginagawa niya ang ayaw kong gawin kaya nilalabanan ko siya.  Iyon po ang malalaman ninyo, kung paano ko matatalo si black lady.”

Comments are closed.