ALDEN RICHARDS PANAY ANG PAPURI KAY DANIEL PADILLA

ALL praises si Alden Richards kay Daniel Padilla when they were formally reflectionintroduced ng bagong niyang screen partner na si Kathryn Bernardo sa la­test Star Cinema movie na “Hello, Love, Goodbye.”

“Si DJ nagkikita rin kami kapag events. And ah, medyo hi, hello lang. Eto, mas personal kasi nakatrabaho ko si Kat. And ‘yung official talaga na nag-usap kami was nu’ng pumunta si DJ sa tent ko. Hindi po sa Hong Kong. Hindi po kami nagkita roon,” kuwento ni Alden.

Nagkita sila ni Daniel sa Hong Kong pero nagkahiyaan daw sila.

“Ganu’n po talaga kapag instant. Mabait po si Daniel at talagang nag-congratulate siya. At nag-congratulate rin siya para sa pelikula at nagpasalamat din siya na inalagaan ko si Kathryn. So, parang ang gaan lang po ng pelikula dahil wala kaming nasagasaan kahit sinong tao.”

Ayon naman sa Star Cinema PR Head na si Mico del Rosario, sadyang mabait daw si Alden.

Patunay niya ang paglalakad mag-isa ni Alden sa Hong Kong pabalik sa hotel niya after ng shooting nila. Hindi raw alam ni Alden na may sasakyang maghahatid sa kanila pabalik ng hotel.

Natuwa rin kami kay Alden when it was time to give his parting shot and did his ‘thank you’ speech sa mga taong tumulong sa kanya to fulfill his dream of working with Direk Cathy and make a movie under Star Cinema.

Hindi niya nakalimutang pasalamatan ang ta­lent manager from Asian Artist Agency na si Phillip Roxas.

Long-time friend ni Alden si Philip or most commonly known sa showbiz bilang si Dada. Nagta-try pa lang sa Pinoy Big Brother si Alden noon, e, nandyan na si Philip sa buhay niya na nilapitan ng naka-discover sa Kapuso actor.

Si Philip ang naging daan para makontak ng Star Cinema si Alden for a project. Nakatatlo hanggang apat na meetings, more or less, ang nang-yari bago na-close ang deal between Star Cinema and Alden.

Present si Philip sa lahat ng meetings na ‘yan, ha? And so, nu’ng nag-shoot na si Alden sa Hong Kong nag-text siya kay Phillip and asked him kung ‘di raw ba siya pupunta roon.

Imagine, ‘di talaga nakalimutan ni Alden si Philip, ha.

Sad to say, up to now ay ‘di pa rin ulit nagkikita sina Alden at Philip.

Anyway, showing sa July 31 ang “Hello, Love, Goodbye” sa direksiyon ni Cathy Garcia Molina.

MATTEO GUIDICELLI HALOS MAIYAK NANG BISITAHIN NI SARAH SA KANYANG TRAINING

SUPER lovable talaga itong si Mateo Guidicelli. Mas lalo pa namin siyang sarah and matteonagustuhan nu’ng mapanood namin ang video niya in a product launch wherein he paid tribute to his late grandfather whom he calls Nono.

Very close pala si Mateo sa kanyang Nono kaya naman siya ang napili ng Philippine Army Reservist na “Kaakbay” niya sa buhay.

Proud na inilahad ni Mateo na isang self-made businessman ang kanyang Nono sa Italy. And he would travel from Italy to the Philippines just to be with his first apo na si Mateo.

In honor of his Lolo, nagtayo ng dalawang Ita­lian restaurants si Mateo dedicated for his Nono.

“There’s a lot of things we dedicated to him and the fact that a company decided to make content about him, his story is such an honor and a blessing kumbaga ‘no. It lives his legacy. It’s a representation of my family, for my pa­rents. So, I’m very thankful for sharing the story of my grandfather,” lahad ni Mateo.

Pagpapatunay lang na nakapaganda talaga ng lahi ni Mateo. Kaya talagang napakasuwerte ni Pop Princess Sarah Geronimo kay Mateo.

Ewan nga ba kung ano pa ang hinihintay ng AshMat at ayaw pa nilang pakasal. Tutal naman ay gusto nang iuwi ni Sarah si Mateo nu’ng makita niya ang tinutulugang tent ng boyfriend niya during his training sa PA.

Maraming kinilig na fans nu’ng ikuwento ni Mateo sa “Magandang Buhay” when he guested sa Kapamilya morning show hosted by Karla Estrada, Melai Cantiveros and Jolina Magdangal. Pero si Mateo halos maiyak-iyak nu’ng ikuwento niya ang kalagayan niya sa training nu’ng dalawin siya ni Sarah at sabihin sa kanya na “Love, iuuwi na kita.”

Comments are closed.