SI PAMBANSANG Bae Alden Richards ang nanguna sa celebration ng Ika-120 Taon ng Araw ng Kalayaan sa iba’t ibang lugar sa Filipinas. Maaga pa ng June 12 ay nasa Lapu-Lapu City, Cebu na si Alden dahil kasama siya sa flag raising ceremony kasama ang City Government at mga Central Visayas Clashers, finalists from the upcoming GMA singing competition na “The Clash” sa Liberty Shrine, Lapu-Lapu City. Mukha raw politician si Alden habang naglalakad kasama ng mga city official, sabi sa Twitter.
Nakapahinga naman si Alden after the celebration, at pinasaya naman niya ang fans sa GMA Regional TV Kapuso Fans Day sa South Town Centre, Talisay City in Cebu at 5:00PM. After the show, bumalik na rin sa Manila si Alden dahil may taping naman siya ng Wednesday, ng kanyang action-drama-fantasy series na “Victor Magtanggol” sa GMA 7.
Sina Barbie Forteza at Derrick Monasterio, lead stars ng top rating primetime series na “Inday Will Always Love You” ay nasa Rizal Park, Iligan City in Northern Mindanao. Kasama pa rin ang North Min Clashers ng “The Clash,” nasa Robinsons Place Iligan naman sila at 4:00 PM.
Si Benjamin Alves naman ang nasa flag raising ceremony sa Pili Municipal Grounds sa Camarines Sur, kasama ang Bicol Clashers. May Kapuso Mall show naman sila sa SM City Naga at 4:00 PM.
Si Maricris Garcia ang nasa flag raising ceremony of the City Government of Bago sa 1898 Historical Marker in Bago City, Negros Occidental kasama ang lone Western Visayas Clasher.
Si Migo Adecer, kasama ang South Mindanao Clashers, ang dumalo sa flag raising ceremony ng empleyado ng City Government of Davao at Davao City Hall. Nagkaroon din si Migo at mga Clashers ng Kapuso Meet and Greet sa Abreeza Mall kinahapunan.
Sina Andre Paras at Joyce Pring na co-hosts ni Regine Velasquez ng “The Clash,” ang kasama sa flag raising cereomony ng City Government of Dagupan sa CSI Stadia sa Dagupan City. Kasama nila ang mga Clashers ng North and Central Luzon. Nagkaroon din sila ng Kapuso Mall Show sa CSI Dagupan in Pangasinan at 2:00PM.
GLAIZA DE CASTRO INAABANGAN NG FANS ANG INDIE ACTION FILM
KAHIT busy sa taping si Glaiza de Castro ng afternoon prime drama series niyang “Contessa”, nagawa pa rin niyang tumanggap ng isang indie film. Pinost ni Glaiza sa kanyang Instagram sa behind the scene photo na pinakita niya, may bitbit siyang malaking baril at nakalagay ang caption na #Liway #Cinemalaya. Dahil dito, marami ang nag-comment na excited silang mapanood muli si Glaiza sa isang indie film, lalo pa at mukhang isang action film ito.
Samantala, kung action ang indie film na gagawin ni Glaiza, patuloy naman siyang hinahangaan sa mga eksena niya bilang si Contessa. Hindi pa rin nawawala ang catfight nila ni Lauren Young as Daniella, na laging siyang nangunguna sa away, pero ang ikinatutuwa ng mga netizen, isa-isa niya nang naipaghihiganti ang mga taong sumira sa kanyang pamilya at pagkatao niya kaya naging matigas na siya.
Napapanood ang “Contessa” Mondays to Saturdays sa GMA 7, after ng “Eat Bulaga.”
Comments are closed.