ALDEN RICHARDS ‘SHOWBIZ PERSONALITY OF THE YEAR’

showbiz eyeCONGRATULATIONS to Pambansang Bae Alden Richards.  Sa kabila ng mga nangyayari ay patuloy na umaani ng tagumpay si Alden.  Last Sunday evening ay tumanggap siya ng Showbiz Personality of the Year award from @Inside­_Showbiz at the Inside Showbiz Appreciation Night.

Sa lahat naman ng ito ay ipinaaabot ni Alden ang pasasalamat sa lahat ng mga awards na natatanggap niya.

Next month, sa April 26, 2019 ay bubuksan na ni Alden ang franchise niya ng McDonalds store sa Binan, Laguna.  Maganda raw ang location nito, nasa highway at katabi nito ang Perpetual Help University.  Ngayon pa lamang, congratulations na Alden!

JOYCE CHING ENGAGED NA SA BF NA NON-SHOWBIZ

JOYCE CHINGHINDI ikinaila ng mahusay na young actress na si Joyce Ching na engaged na nga sila ng  boyfriend na si Kevin Alimon, isang video director, kaya noong presscon ng bago niyang Afternoon Prime Fantasy Drama na “Dragon Lady,” ay sinabi niyang magkalaban sila ni Janine Gutierrez sa pag-ibig ni Tom Rodriguez.

Siya ang prime kontrabida ni Janine, kaya medyo mature, medyo daring at medyo sexy ang role niya.  Possible din na may kiss-ing scene sila ni Tom, okey ba iyon sa boyfriend niya ang role at papayag ba si Kevin sa kissing scene?

“Okey naman po siya dun, naiintindihan naman niya,” sagot ni Joyce.  “Pero ako sa torrid kissing scene ayaw ko.  Hindi po naman mawawala iyong kissing scenes pero puwede po naman ng may daya-daya.  Hindi ko po kaya ang grabeng kissing scenes.  Mga smack-smack lang puwede.”

Nagsimula nang mapanood last, March 4, ang “Dragon Lady,” Mondays to Saturdays, after “Eat Bulaga.”

AICELLE SANTOS TULOY NA ANG  NAUDLOT NA KASAL SA BF

MASAYA si theater singer-actress Aicelle Santos dahil patapos na ang tour nila ng “Miss Saigon Tours UK.” Nag-post na siya sa kanyang Instagram wall ng kasiyahan niya:

“And just like that we are down to our last day in Miss Saigon!  What?!

Thanks for an awesome year Gigi! I believe I am braver because of you!  You allowed me to dance crazy like no one’s watch-ing and be as creative and entertaining as I can (at least to myself), 8 shows a week! Thanks for a grand holiday to places I never knew I’d see in this lifetime.  You gave me peace and learning in solitude.  I made new friends and discovered diverse cultures.

You are worth every note sung, every tear shed and body pains endured.  And for this precious experience I praise and give back all the glory to our Father God.  Maraming salamat!

Now have the best last 2 shows! Let’s go team! @misssaigononuk”

Umani ng papuri si Aicelle sa mga kasamahan niya sa showbiz dito at sa mga Pinoy na nagkapalad siyang mapanood kung saan man sila nagtanghal, at iisa ang sabi nila siya ang pinakamahusay na gumanap bilang si Gigi sa “Miss Saigon.”

Sa pagbalik ni Aicelle sa Filipinas ay magpapakasal na sila ng mahal niyang fiancé, si broadcaster Marc Zambrano.  Bago umalis si Aicelle last year ay nag-propose na si Marc na nangakong ang una niyang haharapin pagbalik niya sa bansa ay ang pagpapakasal nila.  Ilang beses din naman siyang dinalaw ni Marc kung saan siya nagpi-perform ng “Miss Saigon.”

Comments are closed.