NAPAPANSIN ng mga netizens na tuwing papasok si Pambansang Bae Alden Richards bilang financier na si Boom Pawis, sa ‘Boom’ segment ng “Eat Bulaga” hosted by Vic Sotto, hindi siya nakalilimot mag-bless o magmano kay Bossing.
Marespeto raw talaga si Alden sa mga nakatatanda sa kanya. May lumabas ngang video si Alden last Sunday evening sa kanyang Concha’s Garden Cafe sa Quezon City, na binigyan siya ng isa pang birthday party ng kanyang fans, ang Certified AlDub United.
Nagbigay siya ng advice sa fans na dumalo “siguro in times like this, dapat nating pairalin ang respeto sa mga tao, irespeto natin ang ating kapwa, let’s respect one another, let’s respect each other’s opinion, para tayo ang gayahin.”
BARBIE AT MIKA DELA CRUZ NAIINTRIGA SA KANILANG
ROLE NG CRANIOFACIAL DUPLICATION
USAP-USAPAN na sa social media ang naiibang bagong teleserye ng GMA Network, ang “Kara-Mia,” na nagtatampok kina Barbie Forteza at Mika dela Cruz, kahit teaser pa lamang ang napapanood sa TV. Marami raw kasing ayaw maniwala na puwedeng mangyari iyon na isang katawan, dalawa ang mukha. Si Barbie kasi ay si Kara at kapag tumalikod siya, lumalabas ang face naman ni Mia, played by Mika.
Kaya naman sina Barbie at Mika amused sa mga comment na nababasa nila mula sa mga netizen. May nagsasabing kinopya raw lamang ng GMA ang story sa “Harry Potter.” Kaya naman ang GMA nagpalabas na ng press release na ang “Kara Mia” ay based sa true story from India tungkol sa kaso ng disprosopus or craniofacial duplication, isang congenital defect na dalawang mukha ay nag-share sa isang katawan lamang. May reported ding similar case mula sa Great Britain.
Sina Barbie at Mika, ano ang masasabi nila na ngayon pa lamang pinag-uusapan na ang kanilang bagong serye?
“Para po sa akin, this is something new,” sabi ni Barbie. “Kahit ako nagulat nang i-offer sa akin ito, after ng dalawang romantic-comedy series na ginawa ko, ang “Meant To Be” at “Inday Will Always Love You.” Pero naroon din iyong kaba na baka hindi magustuhan ng televiewers pero mas optimistic naman ako na ang mga tao ay naghahanap lagi ng bagong mapapanood kaya baka maging interesado rin sila kapag ipinalabas na ang serye naming ito.”
“Ako naman po, ang una kong naisip parang creepy naman ang kuwento,” sabi ni Mika. “Pero nang makabasa na ako ng mga reaction ng mga netizen sa social media, naisip ko rin na nakaka-intriga talaga ang concept ng show at alam kong magugustuhan nila ito. Hindi ko rin po alam kung paano ang gagawin sa special effects na magkabaligtad ang mukha namin ni Barbie until nagsimula na kaming mag-taping. Sa Bacolod po kami nagsimulang mag-taping para maiba naman ang location. Kasama namin doon sina Ms. Carmina (Villarroel), Tito John (Estrada) at si Ms. Glydel Mercado.”
Malapit nang mapanood ang “Kara-Mia” sa primetime telebabad ng GMA 7 na magtatampok din kina Jak Roberto, Paul Salas, Mike Tan, at Alicia Alonzo, sa direksiyon ni Albert Langitan.
Comments are closed.