THANKFUL si Pambansang Bae Alden Richards kung ang mga eksena niya sa bago niyang action-drama-fantasy series na “Victor Magtanggol” ay ginagawa sa loob or mga interior shot dahil nga isang linggo nang pumasok ang Habagat or southwest monsoon at matindi lagi ang bagsak ng ulan.
Kaya no problem nang mag-shoot sila ng mga action scene sa isang palengke sa Project 4, Quezon City dahil tuloy-tuloy ang mga eksena nila.
Pero ngayon nga apektado ang taping nila ng Habagat. Ilang araw nang umuulan at mahirap talaga kapag exterior ang shoot nila kailangan muna nilang magpatila ng ulan. Ganoon din naman kung interior shots sila at umuulan, dahil nasasagap naman ito ng sound recorder.
Marami nang nagtatanong kung sino-sino pa ang bubuo ng cast at kailan daw ba ipalalabas sa GMA primetime ang “Victor Magtanggol,” pero wala pang advise sina John Estrada at Janine Gutierrez, sa direksiyon ni Dominic Zapata.
KYLIE PADILLA BALIK NA SA PRIMETIME
MADALING nahulaan ng mga netizen na sumusubaybay sa epidemicserye na “The Cure” na si Kylie Padilla ang pinahuhulaan na “may bagong sasali sa paghahanap ng gamot sa The Cure.” Sa tindig at lakad pa raw lamang ni Kylie ay alam nilang siya na iyon at masaya sila na muli nang mapapanood si Kylie na umaarte. Para na rin kasing inamin ni Kylie sa kanyang Instagram nang i-post niya ang picture ng isang babae na may usok sa likuran niya, tulad ng “The Cure” at caption niya na #abangan.
Pero may iba ring nanghula kung gagawin na ang “Encantadia 2” nang i-welcome siya ni Ruru Madrid. Sana raw ay ibalik muli ang love team nina Kylie at Ruru sa “Encantadia.” May mga nag-request din kay Direk Mark Reyes, na kung papasok si Kylie, sana raw ay i-guest na rin niya si Ruru.
Malapit nang mag-appear si Kylie bilang isang Special Forces Agent, na tutulong sa pagtuklas ng gamot at sa paglaban sa mga infected. Napapanood ang “The Cure” pagkatapos ng “24 Oras.”
GABBY EIGENMANN UMANI NG MARAMING
TWEETS DAHIL SA MAHUSAY NA ACTING
UMANI ng maraming tweets ang mahusay na acting ni Gabby Eigenmann sa “Contessa” last Thursday afternoon, after ng “Eat Bulaga.” Ito ‘yung eksena na ipinakita ni Contessa (Glaiza de Castro) iyong video ng homosexual relationship niya as Vito Imperial sa boyfriend niyang si Winston (Phytos Ramirez).
Ipinalabas ito ni Contessa sa big event ng company ng mga Imperial kaya nalaman ng lahat kung sino ba siya talaga. Nag-away pa sila ni Contessa na muntik na niyang ikahulog mula sa building kung hindi siya tinulungan ni Contessa. Na-shock si Vito at hindi na siya nakapagsalita at nawala na siya sa katinuan. Nang kagalitan pa siya ng ina, bigla siyang nagwala.
Kahit si Dingdong Dantes, na kasama niya sa PPL Entertainment ni Perry Lansigan, ay nag-tweet na “Galing talaga ng kapatid ko” with okey emoji. Sinagot naman ito ni Gabby ng “miss you bro.”
Napapanood ang top-rating drama serye Mondays to Saturdays, after ng “Eat Bulaga.”
Comments are closed.