PINURI si Pambansang Bae Alden Richards sa bago niyang single at music video from GMA Records, ang “I Will Be There” mula sa mga netizen. Last June 24, nagkaroon na ng pre-selling ang single niya sa iTunes at last Sunday, July 1, narinig na ito ng mga nag-download sa kani-kanilang cellphones.
Mabilis na nag-post ang iTunes congratulating Alden dahil nag-hit agad ito sa top spot sa iTunesPH Top Singles upon release. Idinagdag pa nila na later on the day of July 1, mapapanood na ang #AldenIWillBeHereMV (music video) sa Daily Motion at sa Hulyo 2, mapapanood na rin ito sa YouTube at 4:00 pm.
Nang mapanood na ang music video, umani agad ito ng libo-libong likes, magagandang comments at maraming nag-share. Ginamit kasi sa MV ang mga elderly sa isang home for the aged sa Sta. Maria, Bulacan na kasama ni Alden ang mga lolo at lola roon na ipinakitang napasaya niya ang mga ito:
@dlonrapie69 “Marahil nasabi ko na ito sa halos lahat ng socmed platform but Im not tired of saying again @aldenrichards02 na sobrang natouch ako at naging emotional sa song rendition mo of my wedding song. U give an entirely new meaning to it. So soulful at touchy plus equally very good at talaga heartwarming MV. ALL I CAN SAY…TY SO MUCH BAE!! IM SO BLESSED TO BE UR FAN”
@a_maria1104. “When I downloaded Alden’s version, naalaala ko si Nanay and I literally cried. I didn’t know that the MV was dedicated for the elders. My heart melts. Gaya ni Alden may soft spot din ako sa mga elderly people. Good job, Den! Pagpalain ka ng Diyos
@mcraigadenip “Great interpretation of the song! Congrats to our dear Faulkerson!
@aliciacruz08 “So proud to be your fan, @aldenrichards02! DB (Daddy Bae), you have all the reason to be proud of your son!
Kaya thankful naman si Alden sa lahat ng mga nakagusto sa single niya at sa music video na magkakaroon ng launch sa “Sunday PinaSaya” soon.
Inspirasyon din daw niya ito sa mga susunod pa niyang pagri-record ng iba pang songs sa kanyang third album sa GMA Records. At sa pagti-taping niya ng kanyang bagong action-drama-fantasy series sa GMA7, ang “Victor Magtanggol,” na ang theme song nito na “Superhero Ako,” na collaborated ni Alden with the Ex-Batallion ay umakyat din sa number one sa iTunes the day na na-release ito.
KYLINE ALCANTARA PINATUNAYAN ANG PAGIGING LA NUEVA CONTRAVIDA
PINATUNAYAN ni Kyline Alcantara na siya ang La Nueva Kontrabida tulad ng title na ibinigay sa kanya ng Sunflowers fan club niya. Going on sixteen pa lamang si Kyline pero kaya na nga niyang gumanap na isang kontrabida nang isama siya sa high rating primetime series na “Kambal Karibal.”
“Nang una ko pong malaman na kontrabida role ang gagampanan ko, medyo nakaramdam po ako ng takot, pero itinuring kong challenge iyon sa akin,” sagot ni Kyline. “Pero natutuwa po ako na kahit masama ang role ko bilang si Cheska/Crisel, hindi pa naman nagagalit sa akin ang mga televiewer dahil naiintindihan nila kung bakit ako naging masama.”
Kaya naman ang mga netizen, tutok gabi-gabi sa “Kambal Karibal” pagkatapos ng “The Cure.” /PILIPINO Mirror
Comments are closed.