ALDEN WALANG REKLAMO KAHIT PURO TRABAHO

Alden Richards

WALA yata talagang kapaguran si Asia’s MultiMedia Star Alden Richards na showbiz eyemukhang inspired sa paggawa ng inspirational drama series niyang “The Gift.”  Wala siyang reklamo kahit Linggo na bibigyan siya ng taping schedule, dahil kung minsan may regional mall tour sila na tumatama sa taping day nila ng Mondays, Wednesdays at Fridays.  Like last weekend, nasa Bacolod sila ng Friday kaya hindi sila nakapag-taping na kasama niya ang mga co-stars niyang sina Martin del Rosario, Mikee Quintos, Mikoy Morales, Thia Tho-malla at Rochelle Pangilinan.

Kaya Sunday, may taping schedule sila na maghapon at kinabukasan, Monday, mas maaga pa ang call time nila, dahil may iti-tape sila na ipalalabas din ng Monday evening.  Tuesday naman niya sa ibang meetings at photo shoots, then Wednesday, back to taping na naman sila.  Wala namang magawa si Direk LA Madridejos at production staff, dahil wala silang nakabangkong episodes na puwedeng ipalabas.

Paganda nang paganda ang story ng “The Gift,” pero ang hinihintay nga­yon ng netizens, kailan malalaman ni Sep na kasa-kasama niyang si Nadia ay ang tunay pala niyang ina.

After the “The Gift” taping ni Alden last Wednesday, nag-guest naman siya sa taping ni Dingdong Dantes ng “Amazing Earth” last Thursday, October 24, sa Subic, Olongapo.

JANINE GUTIERREZ  MALAKING BONUS ANG BEST ACTRESS AWARD

THANKFUL si Kapuso actress Janine Gutierrez sa sunod-sunod na blessings na JANINE GUTIERREZdumarating sa kanya.  Katatapos lamang niyang tumanggap ng kanyang Best Actress award sa QCinema International Film Festival, ngayon naman ay isa na siyang proud business owner ng isang nail salon sa Pasig City.  Nanatiling humble naman si Janine sa lahat ng mga accomplishments na nagagawa niya.

“Unang-una po, hindi ko in-expect na mananalo ako ng award, hindi po talaga,” sabi ni Janine.  “I really went there to support my director and the whole crew, the whole cast, so this is such a huge bonus for me,”

Tumanggap ng award si Janine para sa kanyang movie na “Babae at Baril,” na nagpapasalamat din sila dahil showing pa ito sa mga sinehan. Kaya naman kahit wala pang bagong project na gagawin si Janine sa GMA Network, busy rin siyang nagma-manage ng kanyang nail salon at photo shoot ng kanyang endorsements.

BIANCA UMALI AT MIGUEL TANFELIX TANDEM MISS NA NG FANS

MISSED na ng fans nila ang magka-love team na Bianca Umali at Miguel Tanfelix, kahit kailan lamang natapos ang kanilang huling epic serye sa GMA Network, ang “Sahaya.”  Kaya para sa fans nila at iba pang netizens na gusto sila muling makitang magkasama sa isang project, binigyan ang magka-love team ng Halloween special para sa number one fantaserye ng GMA Network, ang “Daig Kayo Ng Lola Ko.”

Puwede bang magkaroon ng love story sa pagitan ng isang multo at isang buhay na tao? Ito ang mga roles na gagampanan nina Bianca at Miguel.  Sino kaya ang tao at sino ang multo sa kanilang dalawa?

Mabubuo muli ang triangle nina Bianca, Miguel at Migo Adecer after ng “Sahaya.” At kasama pa rin nila sa episode sina Pauline Mendoza, Anjo Damiles, Glenda Garcia at Ge Villamil.

Titled “Love from Beyond,” magsisimula nang mapanood ang month-long Halloween special simula sa Sunday, October 27, after ng “Amazing Earth” hosted by Dingdong Dantes at bago ang “The Clash.”

Comments are closed.