ALDEN, WALLY, PIA AT LUANNE ‘DI NAGPAAWAT, LUMUSONG SA DEAD SEA

EB-1

LABIS ang pasasalamat ng Dabarkads ng “Eat Bulaga” kay Mr. Antonio P. Tuviera, dahil napuntahan showbiz eyenilang lahat ang mga important places sa Israel sa pilgrimage nila sa Holy Land as a Holy Week vacation courtesy of the big boss ng longest-running noontime show.

Hindi nila malilimutan ang pilgrimage places mula sa Tel Aviv, Tiberias, Nazareth, Jordan River, Jerusalem, Bethlehem at sa sinasabing lowest part of earth, ang Petra, Ma’An Jordan.  At siyempre, hindi kompleto ang pagpunta roon kung hindi nila na-experience ang paglusong sa Dead Sea, ang salt lake bordering Israel and Jordan, na tinawag namang lowest point of dry land.

Hindi sinayang nina Alden Richards, Luanne Dy, Pia Guanio, Wally Ba­yola ang paglusong sa Dead Sea or Salt Lake, na hindi ka puwedeng mag-swimming dahil hindi ka lulubog at kusa kang lulutang (tulad ni Alden sa picture) dahil nga puno ng salt ang tubig. Iyon nga lamang, allowed ka lamang mag-stay sa tubig ng around twenty minutes dahil delikado. Walang nabubuhay na living being doon dahil sa mataas na content ng salt. Kaya once na umahon ka na sa tubig, kailangan mong maligo agad sa showers na nakapaligid doon, para matanggal ang salt sa katawan mo.

Last Tuesday evening ay nagkaroon ang Dabarkads ng isang sumptuous dinner sa Tel Aviv, na sabi ni Ryan Agoncillo ay isa sa dinarayong restau-rant doon. Pabalik na rin sila ng Filipinas at maaaring March 21 ay narito na sila dahil sabi’y live na ang “Eat Bulaga” simula ngayong Friday, March 22.

BOOTS ANSON RODRIGO NALULUNGKOT NA KAUNTI NA LAMANG

ANG NAITUTULONG NG MOWELFUND

BOOTS ANSON RODRIGOFORTY five years ago nang itayo ni dating San Juan Mayor Joseph Estrada ang Movie Workers Welfare Foundation, Inc. (MOWELFUND),  a non-stock, non-profit social welfare, educational and industry development foundation para sa mga manggagawa ng pelikulang Pilipino, at tumutulong sila sa mga miyembro nito sa oras ng kanilang pangangailangan.

Sa  March 23, ipagdiriwang nila ang 45th anniversary ng MO­WELFUND, kasabay ang ground breaking ceremony para sa bagong gusali ng foundation na itatayo at popondohan ng Victor Consunji Development Corporation (VCDC) – isang partnership ng VCDC at MO­WELFUND na pumasok na rin sa real property development para madagdagan ang pondo at benepisyo nila sa may 4,000 members nito.

Ayon kay Mowelfund Trustee and President Boots Anson Roa-Rodrigo na noong una ay ayaw pumayag ni Manila Mayor Erap na ibenta ang kalahati ng lote pero later on ay pumayag na rin siya, kaya it’s a very emotional thing, pero nariyan pa rin ang Mowelfund at mas makatutulong sila sa mga miyembro nito.  Nakalulungkot nga lamang na habang tumatagal ang panahon, kaunti na lamang ang mga tulong na natatanggap nila, mula sa kita ng Metro Manila Film Festival taon-taon.

Nangako naman ang VCDC na itatayo nila ang bagong building sa loob ng anim na buwan, bago nila i-demolish ang old building para ilipat doon ang FPJ Museum at pambansang museo ng pelikula at ng Mowelfund Film Institute.

Ang kalahati pa ng lote ng Mowelfund ay pagtatayuan ng mga bahay na nagkakahalaga ng P18  million ang bawat isa at tatawagin itong Mowelfund Residences.

Comments are closed.