SI HENYO Master, Joey de Leon, ang nag-announce ng masayang balita para sa AlDub fans nina Alden Richards at Maine Mendoza, si Yaya Dub. Nagkaroon ng live streaming sa Eat Bulaga Facebook Live last Friday, May 1 sina Joey, Pauleen Luna-Sotto at Allan K, at doon ginawa ni Joey ang announcement:
“Magandang balita para sa mga AlDub or ang mga fans nina Alden Richards at Maine Mendoza na simula sa Lunes, May 4, matutunghayan ninyo muli ang Kalye Serye sa loob ng dalawang linggo. Di ba bawal tayong lumabas sa kalye, kaya ang kalye ang dadalhin natin sa kanila. At alam ba ninyo Poleng, Allan, tayo pala ang nagpasimula ng ZOOM app, iyong split screen na ginagawa natin ngayon, na noon pa ay ginawa na ng dalawa (Alden at Maine), at tayo rin ang nagpasimula ng social distancing, ‘yung one foot apart sina Alden at Maine, dahil hindi sila puwedeng magkalapit.”
Oo nga naman. Kaya simula na ngayong Lunes, May 4, at 12NN, tutok na tayo sa Eat Bulaga. Tingnan natin kung paano pasasayahin ng Eat Bulaga ang AlDub Nation, mangyayari kaya ang wish nila tungkol sa Kalye Serye? May iba kasing nagri-request na sana raw ay magkaroon na ng Kalye Serye 3, na malaki na ang kambal na anak nina Alden at Yaya Dub, nang matapos ang Kalye Serye noon.
BABY BOY ANG ANAK NINA LUANNE DY AT CARLO GONZALES
CONGRATULATIONS sa mag-asawang actor Carlo Gonzales at lady host Luane Dy dahil nagsilang na si Luane ng kanilang baby boy ni Carlo last Saturday, May 2. Walang detalye pa si Luane kung ano ang weight at kung ano ang napili nilang pangalan ng anak.
Noong huli naming nakausap si Carlo sa set ng “Descendants of the Sun,” wala pa raw silang napipiling pangalan ng baby dahil pang-apat na raw sa mga Gonzales ang anak nila at nag-iisip pa sila kung ano ang magiging second name sa ‘Jose.’
Isa lamang maramdaming message ang pinost ni Luane sa kanyang Instagram: “Anak, salamat sa ligayang iyong dala. Nawa’y hindi tayo mawalay hanggang sa aking pagtanda. Buong buhay kong pagmamahal sa ‘yo’y ipadarama. Masuklian lang sa aki’y tunay mong halaga. Ikaw ang buhay ng aking buhay sinta. Tunay, mahal na mahal kita.
I love you son.”
Maagang nag-maternity leave si Luane as one of the hosts ng “Unang Hirit” morning show at sa long-running noontime show na “Eat Bulaga.” After nilang ma-engage ni Carlo last May, 2019, nagkaroon sila ng civil wedding last November, 2019. Magkakaroon sila ng official wedding ceremony ngayong December 2020.
Comments are closed.