ALDUB NATION NABUHAYAN NG LOOB SA PAGSASAMA NG MGA IDOLO SA STAGE

NABUHAYAN ng loob ang AlDub Nation (ADN), ang fans ng phenomenal love team nina Aldenshowbiz eye Richards at Maine Mendoza, nang ang matagal na nilang hinihiling sa longest running noontime show na “Eat Bulaga” ay nagkatotoo last Saturday, June 2.

Nalulungkot ang ADN dahil matagal na raw walang interaction sina Alden at Maine sa show dahil madalas nang wala si Alden sa pagti-taping niya ng “Victor Magtanggol” at si Maine naman ay la­ging nasa barangay para sa sugod-bahay kasama sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros.

Last Friday, may vi­deo si Maine na nag-i­imbita na panoorin daw siya sa EB, nandoon siya bilang si Zendaya. May post din sa EB Facebook na huwag i-miss ang show noong Saturday dahil mag-i­impersonate sina Ryzza Mae Dizon as Kesha, si Baeby Baste as Pitbull, Jose Manalo as Bruno, Wally Bayola as Camila, si Alden as Zac Efron at si Maine as Zendaya. Pero ayaw ma-hopia ang ADN na magkasamang magpi-perform sina Alden at Maine, pero okey na sa kanila basta magkasama lamang sila on stage.

Kaya napuno ang buong Broadway studio ng EB nang sigawan at palakpakan nang magkasunod na lumabas sina Alden at Maine. Alam agad na ipi-perform nila ang isang eksena sa “Greatest Showman” nina Zac at Zendaya.  Inawit nila ang “Rewrite The Stars” na comment ng fans ay bagay daw sa kanilang dalawa, at may aerial dance ito, hindi man kamukhang-kamukha sa movie, pero nagpasaya ito sa audience at sa mga televiewers.

Nakatulong kay Alden na mas slim na siya nga­yon dahil sa training niya para sa kanyang serye, na no problem nang umakyat si Maine through him at siya naman ay naglambitin habang umiikot sila ni Maine, and then sa balikat niya, ibinaba niya si Maine. Nalaman namin na Friday evening lamang ni-rehears ng dalawa ang number nilang iyon.

Hindi lamang iyon, sa kanilang “Album Guhit Bulaga Plus” segment magkasama pa rin sina Alden at Maine sa Yellow Team, at sila ang magka-partner sa pagguhit na huhulaan ng kanilang kasama sa team.  Sayang nga lamang at natalo sila ng Blue Team.

Tuloy may request muli ang ADN sa EB, kung puwede, kahit every Saturday man lamang ay magkasama ang paborito nilang loveteam.

SA EB pa rin last Saturday, madaling nag-post ng pasasalamat si Master Henyo, @angpoetnyo Joey de Leon (JDL) sa kanyang Instagram wall pagkatapos niyang mag-perform ng mga Frank Sinatra songs, in concert with the Broadway Boys, sina Joshua Lumbao, Joshua Torino, Benedict Aboyme at Francis Aglabtin, sa tinawag nilang L-JUNE-dary ng “Eat Bulaga.”  Ngayon kasi, every Saturday mga Dabarkads naman ang nakaka-duet ng Broadway Boys.

“Thank you Dabarkads! Ninerbyos ako nu’ng makita kong kompleto kayong nakasalampak sa harap namin ng Broadway Boys! Imagine ‘yung AlDub together! Nakakatuwa naman! Kaya bale wala ‘yang trending-trending, mukhang ‘yung inyo Unending.  Salamat uli my co-hosts.”

Sa isa pa niyang post! “MY BEST AUDIENCE IN ALL OF MY PERFORMANCES!  Thank you so much! Not in pic. are Pia & Ryan kasi ini-interview kami ng Broadway Boys. Until our next concert!”

Comments are closed.