NATATARANTA na ang AlDub Nation sa iba’t ibang balita tungkol kina Alden Richards at Maine Mendoza. Hindi mo na kasi alam kung ano ang paniniwalaan mo. May mga nagsasabing nasa bansa na raw si Maine, pero ang inilabas pala nilang pictures, kuha pa bago umalis papuntang Holy Land ang Dabarkads.
Last Monday, walang bagong post ang mahusay na photographer-host na si Ryan Agoncillo, si Allan K, Ryzza Mae Dizon. Ang huli pa nilang post, iyong huli nilang pinuntahan ang Petra sa Israel. Ang kapansin-pansin din, iba-iba ang oras ng post nila kahit pare-pareho ang pictures na pino-post niya.
Tuesday morning, may lumabas namang parang nagpo-photo shoot si Maine dahil nauna raw itong umuwi dahil may photo shoot na hindi na puwe-deng i-cancel. Ang tanong, umuwi bang mag-isa lang si Maine, kung totoo ngang umuwi siya. Pero negative ang sagot dahil wala pa naman talaga sa Filipinas si Maine.
Anyways, lalabas din ang totoo, kung narito na nga ba sila. Ang alam kasi namin, aalis sila roon ng Wednesday evening, March 21, at narito na sila morning of Thursday, March 21 dahil sa March 22 live na ang “Eat Bulaga.”
YASMIEN KURDI MAGTATAPOS NA SA KOLEHIYO
WITH A DEGREE IN POLITICAL SCIENCE
CONGRATULATIONS to Yasmien Yuson Kurdi-Soldevilla. Sa graduation picture post ni Yasmien sa kanyang Instagram “Little girls with dreams become women with vision. #Filipina”
Yes. graduate na nga si Yasmien sa Arellano University with a degree in Political Science. Sa April ang kanyang graduation. Nakakahanga na sa kabila ng lagi namang may ginagawang teleserye si Yasmien sa GMA Network, naisabay pa niya ang kanyang pag-aaral at naka-graduate in college. Noon pa ay nag-aaral na ng Nursing si Yasmien, pero nang magkaasawa at magka-anak, isinaisantabi muna niya ang studies niya.
Nang lumaki na at nag-aaral na rin ang only child nila ni Rey, ang six-year-old na si Ayesha Zara, itinuloy niya ang pag-aaral niya ng Political Sci-ence. Hindi kami magtataka kung itutuloy ni Yasmien sa pag-aaral ng Law ang kanyang degree dahil noon pa, ay laging sinasabi ni Yasmien na gusto niyang tulungan ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na laging exploited ng agencies at mga employers na kumukuha sa kanila para magtrabaho abroad.
May isa pang post si Yasmien na “Live life like a butterfly, take a rest but never forget how to fly!”
Napagsasama rin kasi ni Yasmien ang trabaho, studies at bakasyon. Kapag may chance siyang makahingi ng ilang araw na break sa taping, since piloto naman ang asawang si Rey, nagiging bonding nilang mag-asawa ang pagta-travel, at sumasama si Yasmien sa isang flight ng asawa.
Sa ngayon ay puspusan ang taping ni Yasmien ng “Hiram Na Anak,” na aantig sa puso ng mga sumusubaybay dahil con-cerned dito ang pagmamahal ng isang ina sa isang bata, kahit pa hindi niya ito tunay na anak. Katambal si Dion Ignacio na co-StarStruck batch one ni Yasmien, napapanood ito araw-araw, 11:20 AM, bago ang “Eat Bulaga.”
Comments are closed.