(#ALDUBKalyeSeryeAngSimula) REPLAY NG ALDUB KALYE SERYE  UMABOT SA HALOS 500THOU TWEETS, MULING NAG-TRENDING

NAGDIWANG ang AlDub fans nina Alden Richards at Maine Mendoza, nang i-replay ng “Eat Bulaga” ang Kalye Serye na lalong nagpakilala showbiz eyeat naging dahilan para magkalapit ang dalawang actors at tanghaling phenomenal love team na sa kabila nang ginawang paghihiwalay sa kanila at hindi na natuloy ang mga ipinangakong pagsasama sa kanila sa movies and TV programs, ay nanatiling number one love team na nagsimula noong July 14, 2015 hanggang ngayon.

Kaya naman sinuportahan ng ADN ang pagre-replay ng Kalye Serye last May 4, at nagpasalamat sila sa “Eat Bulaga” na pinagbigyan sila na muling mapanood ang mga episodes na sabi ni Henyo Master Joey de Leon ay tatagal ng dalawang linggo.

Sa unang araw, umabot sa halos half a million tweets at nag-trending ang hashtag nilang #ALDUBKalyeSeryeAngSimula.  Narito ang ilang comments ng mga fans hindi lamang dito kundi sa Team Abroad din:

@losalinkaluma_ Dati nasa ilalim ng mga puno ‘yung family ko sa Pinas, ngayon nasa loob sila ng bahay dahil may Kalye Serye, hindi na naman ako pwede mang-istorbo bukas, sigurado nakatutok silang lahat sa Kalye Serye. @nhette06 5 taon na ang nakalipas pero ganun pa rin ang kilig, iba talaga ang chemistry ng AlDub; @instavangie: Nanood kami kanina at masaya pa rin, ka-miss din sila @ming_reyes; Akalain mo ang isang Yaya Dub maging phenomenal star tapos ng maikling panahon dinaig pa yong mga tisay at tisoy na matagal nang artista.

Muli, may pakiusap ang AlDub Nation, since two weeks ang replay, pwede raw bang ipalabas in full ang “Tamang Panahon” special na ginanap sa Philippine Arena sa Bulacan, noong October 24, 2015 this Saturday, May 9, at finale sa May 16, ang Kalye Serye wedding nina Alden at Maine na ginanap sa Christ The King Church in Quezon City noong October 22, 2016.

 

SEN RAMON REVILLA SR., ‘HARI NG AGIMAT’

Bong revilla srMADALAS palang dinadalaw ni Senator Bong Revilla ang amang si dating Senator Ramon Revilla Sr. sa bahay nila sa Imus, Cavite.  Pero dahil mayroon tayong umiiral na enhance community quarantine (ECQ), ayaw niyang makakuha ng virus ang ama, kaya hindi na siya lumalapit at kumakaway na lamang kapag dumating siya sa bahay.  Last weekend na dumalaw siya sa ama, katatapos lamang pala nitong sipunin, pero wala namang problema, dahil gumaling din agad.  Talaga nga yatang ‘hari ng agimat’ si Ramon Revilla Sr.

 

MATTEO AT SARAH KINANTIYAWAN NINA BILLY AT COLEEN SA PAGKAKAROON NG BABY

LEGALLY married na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli at hinihintay na lamang ay ang official wedding ceremony.  Pero biro nga inabutan sila ng ECQ at hindi sila pwedeng lumabas. Kaya hingi ng mga fans, even ng mga kaibigan nila ay magkaroon na muna sila ng baby.

Isa nga sa bumibiro sa kanila ang mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia, matapos nilang mag-announce na five months preggy na si Coleen.  At ang mag-asawang John Prats naman at Isabel Oli ay expecting na rin ng kanilang third child.  Tingnan nga natin kung kailan naman mag-aannounce sina Matteo at Sarah kung may coming baby na sila.

Comments are closed.