HINDI pa kinakailangan na itaas ang alert level sa Israel sa kabila ng drone at missile attack ng Iran dito kamakailan.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nananatili ang Alert Level 2 sa Israel, nangangahulugan na ipinagbabawal pa ang pagpapadala ng overseas Filipino workers (OFWs).
Hinikayat din ng kagawaran ang mga Filipino na kung hindi mahalaga ang pagbiyahe sa Israel ay makakabuti na ipagpaliban na ito.
Pinapayuhan din ang lahat ng mga Pilipino sa rehiyon na maging alerto at updated sa mga pahayag ng seguridad ng kanilang host government.
Pinayuhan din sila na makipag-ugnayan sa kanilang mga pinuno ng komunidad sa ibang bansa at sa mga embahada at konsulado ng Pilipinas.