ALERT LEVEL 3

NOONG  Miyerkoles ay inanunsiyo ng IATF na ang Metro Manila ay isasailalim na sa Alert Level 3 simula bukas, ika-16, hanggang sa katapusan ng buwan ng Oktubre. Marami ang nagtatanong at nalilito kung anuo-ano nga ba ang mga bagay na pinapayagan at ipinagbabawal sa ilalim ng Alert Level 3 na ito.

Pinapayagan na ang mga sumusunod na gawain at establisyimento, ngunit hanggang sa 30% ng capacity para sa mga indoor venue at para lamang sa fully-vaccinated individuals, at hanggang 50% capacity naman para sa outdoor venue:

* ang mga pulong, kumperensiya at exhibit, pati na ang mga pagtitipon (parties), wedding reception, debut, family reunion;

* ang mga library, museum, gallery, park, theme park, kasama ang mga sinehan, internet café, bilyaran, arcade, swimming pool, archery hall, skating rink, bowling alley, atbp.;

* limitadong face-to-face classes para sa higher ed at tech-voc training, licensure o entrance exam ng ahensya ng pamahalaan o anumang IATF-approved exam, pati na rin ang mga religious gathering, lamay at libing para sa mga namatay sa ibang dahilan maliban sa COVID;

* kasama ang dine-in establishment, ngunit kailangang sumunod sa DTI protocols; pati na rin ang mga barberya, salon, spa, at mga lugar para sa aesthetic/cosmetic services, sa ilalim pa rin ng DTI protocols;

* ang mga fitness studio, gym, venue para sa mga non-contact sports, sa ilalim ng DTI protocols at kailangang palaging nakasuot ng face mask ang lahat at walang group activity; at

* ang mga produksyon pampelikula, musika at telebisyon, sa ilalim ng mga guidelines ng pamahalaan.
(Itutuloy…)

8 thoughts on “ALERT LEVEL 3”

  1. 854076 519579Oh my goodness! a fantastic post dude. Numerous thanks Even so We are experiencing difficulty with ur rss . Dont know why Can not sign up to it. Could there be anybody finding identical rss difficulty? Anyone who knows kindly respond. Thnkx 477125

Comments are closed.