ITINAAS na ng Depart ment of Foreign Affairs (DFA) ang Alert Level 4 sa Tripoli, Libya at mga kalapit nitong lugar dahil sa kaguluhan doon.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., itinataas ang Alert Level 4 sa Tripoli at sa 100 kilometro sa palibot nito.
Mangangahulugan ng pagpapatupad ng mandatory evacuation para sa mga Pinoy sa nasabing bansa ang Alert Level 4.
Sa kabila nito ay may mga Pinoy pa rin ang ayaw magsiuwi dahil sa pangamba na wala silang madadatnang trabaho sa bansa.
Sinabi ni Locsin na hindi pa rin mapupwersa ang mga OFW sa Tripoli na lumikas.
Mananatili ang mga tauhan ng DFA sa lugar hanggang sa mapauwi ang pinakahuling Pinoy na nasa nasabing magulong bansa.
Mahigit sa 1,000 OFW ang kasalukuyang nasa Libya.
Kamakailan ay dalawang Pinoy na ang iniulat na sugatan sa pag-atake sa ilang hospitals at residential areas malapit sa Tripoli.
Comments are closed.