ALERT LEVEL 4 SA NCR, POSIBLE

IPINAHIWATIG  ni Health Secretary Francisco Duque, III ang posibilidad na itaas sa alert level 4 ang National Capital Region (NCR) sa gitna na rin ng patuloy na pagsirit ng kaso ng COVID-19.

Ito ay matapos ihayag ni Duque na ikinokonsidera ng IATF ang pagtataas sa alert level 4 ng Metro Manila kung saan halos nasa moderate risk na ang health care utilization rate.

Sinabi ni Duque na iniiwasan ng gobyerno ang scenario na mayroong sapat na hospital beds subalit walang sapat na healthcare workers dahil sa pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa kanilang hanay.

Sa ilalim ng alert level 4, ang mga establishment ay pinapayagang mag-operate sa 10% indoor capacity para lamang sa mga fully vaccinated at 30% outdoor capacity samantalang hindi naman operational ang mga cinema, contact sports, face to face classes, amusement parks at casino. DWIZ882