MAKABABALIK na ang overseas Filipino workers (OFWs) sa Myanmar makaraang babaan ng Pilipinas ang alert level status na ipinataw sa naturang bansa na naapektuhan ng military coup noong February 2021 military coup.
“Filipinos working here in Myanmar illegally will finally be able to come home, be officially registered, and come back to work in Myanmar,” pahayag ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo De Vega sa ANC.
Ayon kay De Vega, inaprubahan na ni DFA Secretary Enrique Manalo ang pagbaba ng alert status kasunod ng pagsasaalang-alang sa pagsasaalang-alang sa katatagan at sitwasyon ng human trafficking sa mga hangganan ng Myanmar.
Naunang sinabi ni De Vega na ang mga Filipino worker na may valid working visas sa Myanmar ay maaaring payagang makabalik sa sandaling babaan ang alert level.
Mahigit 400 Pinoy ang patuloy na nagtatrabaho sa Myanmar kahit matapos na patalsikin ng military junta ang isang naihalal na civilian government, ilang taon na ang nakalilipas.