ALERTO NG PNP BALIK NA SA NORMAL

albayalde

CAMP CRAME – MATAPOS ang malalaking events sa bansa  ibinaba na ng Philippine National Police (PNP) sa normal status ang kanilang alerto.

Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde, iniutos niya sa PNP regional directors ng Region 1 hanggang Region 8, kabilang pa ang Cordillera at National Capital Region ang pagbaba sa normal alert status.

Habang nanatili naman sa full alert status sa buong Mindanao dahil sa umiiral pa ring Martial Law.

Bagamat nasa normal alert status na ang halos lahat ng rehiyon sa bansa, magpapatuloy ang focused police operation ng PNP kontra sa criminal gangs, tero­rista at lawless elements upang mapigilan ang anumang planong karahasan.

Sa ngayon nakatutok ang PNP sa pagbibigay ng seguridad sa mga eskuwelahan sa buong bansa na  bahagi ng pagbubukas ng klase sa Lunes.

Aabot sa 120,000 na mga pulis ang ide-deploy ng PNP para sa pagbubukas ng klase sa susunod na ­linggo. REA SARMIENTO

Comments are closed.