ALERTO SA TAAL VOLCANO WALANG PAGBABAGO

Phivolcs

BATANGAS – HINDI pa humuhupa ang pag-aalboroto ng Taal Volcano at sa katunayan, nananatiling nakataas ang Alert Level 3 para rito.

Kahapon ay patuloy pa rin ang paglalabas nito ng mainit na singaw.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naglabas ng katamtamang dami ng puti hanggang sa dirty white na kulay ng steam o singaw ang Bulkang Taal sa nakalipas na 24-oras.

Umaabot anila sa 300-metro ang inilabas nitong steam-laden plumes.

Naobserbahan din ang pag-angat ng mahinang singaw mula sa mga fissure vents sa Daang Kastila trail ng Taal Volcano Island na umaabot sa 10-meters hanggang 200-meters ang taas.

Naitala naman sa 116 tons kada araw ang inilabas na sulfur dioxide ng bulkan.

Habang umabot sa 115 ang naitalang volcanic earthquakes ng Taal Volcano network kabilang ang dalawang low frequency events at limang maka-kasunod na pagyanig na tuma­gal ng halos apat na minuto.

Ang mga nabanggit na aktibidad ay na­ngangahulugang gu­magalaw ang magma sa ilalim ng Bulkang Taal na posibleng mauwi sa pagsabog nito. G. PERDEZ/DWIZ882AM

One thought on “ALERTO SA TAAL VOLCANO WALANG PAGBABAGO”

  1. 12410 310229The the next occasion Someone said a weblog, Hopefully so it doesnt disappoint me approximately this. What im saying is, I know it was my choice to read, but I truly thought youd have something intriguing to express. All I hear is often numerous whining about something that you could fix in case you werent too busy searching for attention. 288306

Comments are closed.