NAKATIKIM ng pangungutya sa social media ang magaling at award-winning actress na si Alessandra de Rossi.
Ipinamukha kasi ng ilang netizens sa kanya na out of place siya at napag-iiwanan ng kanyang kapatid na si Assunta at kaibigang si Heart Evangelista.
Rich nga naman ang kanyang ate na si Assunta dahil nakapangasawa ito ng isang dating kongresista na galing sa buena familia samantalang si Heart ay ipinanganak na nakaririwasa at sunod ang luho sa kanyang asawang senador.
Hindi naman nagpaapekto si Alessandra sa ginawang pagkukumpara sa kanyang social status sa dalawa, sa halip ay happy raw siya na may dalawang taong ito na mahalaga sa kanya.
At least daw, hindi na niya poproblemahin pa ang mga ito dahil may pambili sila ng lahat ng kailangan nila sa araw-araw.
WINWYN URONG SULONG SA PAGSALI SA BB. PILIPINAS
BAGAMA’T nasabi noon ni 2017 Reina Hispanoamerica na si Winwyn Marquez na hindi niya isinasara ang pinto sa pagsali sa ibang beauty pageants tulad ng Binibining Pilipinas kahit nanalo na siya ng international title, hindi pa rin daw siya sigurado kung makakasali siya ngayong taon.
Katunayan, nagpapasalamat siya sa maraming fans at followers na nagpu-push sa kanya dahil bilib ang mga ito sa ganda at talino niya.
“Nakatataba ng puso na you still support me and pinu-push niyo akong sumali kasi naniniwala kayo and all and sobrang thank you,” ani Winwyn. “Pero to be honest, I’m really not sure yet. Marami pa kasi akong kailangan gawin this year. Maraming pumapasok na projects, maraming opportunities na dumarating, and I’m really not sure what to do yet,” dugtong niya.
Hirit pa niya, kung hindi raw naman mangyari ang pagsali niya this year, qualified pa raw naman siyang mag-join sa susunod na taon dahil nasa age bracket pa siya.
“Unahin ko muna kung anong kailangan unahin and let’s see kung ano ba talaga ang mangyayari. I’m happy with my crown. I’m happy sa kung anong napanalunan ko. I can still join, I think, if ever hindi ako sumali (this year)…”
“I think tumaas na ‘yung age bracket ng Miss Universe to 28 if I’m not mistaken? Supranational is also 28, so I think puwede pa,” pagtatapos niya.
Si Winwyn ay nasa cast ng “Time and Again” kung saan kapareha niya si Enzo Pineda.
ERICH GONZALES ‘DI NA ITINATAGO ANG BAGONG INSPIRASYON
HALATANG totally naka-move na ang Kapamilya actress na si Erich Gonzales sa hiwalayan nila ng Japanese hunk model na si Daniel Matsunaga dahil happy ito sa kanyang bagong apple of the eye na si Mateo Lorenzo, isang mayamang businessman na may-ari ng maraming kompanya tulad ng Pancake House, Del Monte at La Panday.
Si Daniel din naman ay masaya na sa piling ng kanyang Polish girlfriend na si Karoline Pisarek.
Usap-usapan kasi ang clip ng video ni Erich kapiling ang rumored entrepreneur-boyfriend na kumalat kamakailan sa social media.
Lovey-dovey at sweet sa isa’t isa ang dalawa sa kanilang video kaya naman maraming netizens ang kinilig sa kanila.
Katunayan, maraming nakapansin na may kakaibang glow daw sa mga mata ni Erich na obvious na inspired kaya may nag-conclude na in love na ito at naka-move on na sa breakup sa dating boyfriend.
May mga nagkomento rin na mga supporter na masaya sila sa estado ng bagong lovelife ng aktres.
Wish din nila na nahanap na ni Erich ang lalakeng seseryoso sa kanya.