ALEX COMPTON COACH PA RIN NG ALASKA

ALEX COMPTON

PINABULAANAN ng kampo ng Alaska Aces ang kumakalat na balitang si asst. coach Jeffrey Cariaso na ang magiging head coach ng team. Ayon sa mapagkakatiwalaang source, si coach Alex Compton pa rin ang magmamando para sa Aces. Sa Peb. 3 pa ang laro ng Alaska kontra Rain or Shine. Tuloy ang ligaya ni coach Compton sa Aces.



Luz valdez naman ang Brgy. Ginebra sa out-of-town game nito laban sa Rain or Shine, 83-80. Si Gabe Norwood ang na­ging susi sa panalo ng koponan.  Katunayan, sa 4th quarter lang gumawa si Norwood para itawid ang panalo ng Elasto Painters. Subalit mukhang hindi matanggap ng Gin Kings ang pagkatalo nila sa Elasto Painters. Pinag-aaralan ngayon ng grupo ni SMC sports director Alfrancis Chua ang paghahain ng reklamo kay PBA Commissioner Willie Marcial.



Naitala ng NLEX ang kauna-unaang panalo nang pataubin ang Columbian Dyip, 107-97, noong Linggo. Pinangunahan ng twin towers ng Road Warriors ang unang panalo ng koponan. Kumana si 6’8 JP Erram ng 23 points, 10 rebounds, 5 asssits at 5 blocks, habang tumirada si 6’6 Marion Magat ng 14 points at 11 rebounds para umangat sa 1-3 kartada ang Road Warriors.

True kaya na kung hindi pa rin nanalo ang tropa ni coach Yeng Guiao laban sa Columbian Dyip ay magpapakalbo silang lahat mula sa utility boys at coaching staff hanggang sa players.

Naalala ko tuloy ‘yung panahon ni coach Guiao  sa Red Bull na nagpakalbo ang lahat dahil sa pagkakatalo rin. Dahil nanalo ang team ni coach Yeng, ligtas na sila sa pagpapakalbo.



Nagtataka lang naman kami sa game ng TNT KaTropa at San Miguel Beer. Ang malaking katanungan lang ay kung sino ba ang head coach ng Tropang Texters, si Bong Ravena ba o ‘yung Amerikano nila? Ang siste ay ‘yung si puti ang tumatayo sa court, gayundin ang assistant nito. Habang si Ravena ay nasa tabi lang at nanonood sa diskarte ng Amerikano. Display lang ba si coach Bong sa team at title lang ang pagiging head coach at nakaupo lang siya sa bench? Nagtatanong lang naman.



Happy, happy 75th birthday sa mother-in-law ko, NANAY CARMEN D. MANUEL. Congrats po at sinapit ninyo ang edad na 75. We wish you good health and long life. I wish, marating ko rin ang edad na ganyan para sa pagtupad ko sa aking banal na tungkulin at makasama ko ang mga magiging apo ko sa mga anak ko. Happy birthday ulit, Nay from my family Edwin, Auztin at Zia, at sa iba mo pang mga anak at relatives. Welcome home, TIta Pat. Thanks sa pag-uwi mo sa Pinas para sa birthday ng Ate Carmen mo. We LOVE YOU!

Comments are closed.