TODO ensayo na si Pinay tennis star Alex Eala sa kanyang unang pagsabak sa professional level match ng Grand Slam sa susunod na taon.
Kasunod na rin ito ng pagpasok ni Eala sa qualifying round ng 2023 Australian Open sa January 9-12.
“YESSSSS!!!! I made the cut for the Qualifying Rounds of the Australian Open 2023 in Melbourne! This will be my first match ever in the pro-level of a Grand Slam,” ani Eala.
Ang 17-anyos na Pinay ay nasa no. 214 sa Women’s Tennis Association rankings.
Una nang gumawa ng kasaysayan si Eala nang maging unang Pinoy player na nakakuha ng Junior Grand Slam Single Title bukod pa sa 2022 US Open Juniors Champion.