ALEX GONZAGA, FIANCE  NAG-POSITIVE SA COVID-19

Mikee and Alex

HINDI nakaligtas sa coronavirus disease (COVID-19) ang aktres na  si Alex Gonzaga at pamilya.

Sa kanyang vlog ay ibinahagi ng television host ang kanyang pinagdaanan nang magpositibo sa nasabing sakit ganoon din  ang kanyang mga magulang, fiancè na si Councilor Mikee Morada at isang kasamahan sa bahay.

Naging asymptomatic ang  mga magulang ni Alex habang nagkaroon naman siya ng mild symptoms maging si Morada at kasamahan sa bahay.

Dahil sa COVID-19 ay naudlot ang mga plano nina Alex at fiance nito  para sa kasal at hindi rin siya nakadalo sa isang television show.

Dalawang linggong nag- quarantine ang mga ito at pagkatapos ay  nagnegatibo na ang kanilang pamilya sa isinagawang retest.

Ikinuwento rin ng aktres kung paano nila nilabanan ang nakakahawang sakit habang nakasailalim sa quarantine period.

Ayon sa aktres, sa kabila ng pinagdaanan nila ay  blessed pa rin ang kanilang pamilya dahil masuwerteng nakaligtas sila sa COVID-19.

“It made me realize na in this pandemic, we should stop thinking about ourselves. We should really think about other people. It’s not about you, it’s about the people around you para mas maiwasan nating makahawa at maiwasan nating magkaroon ng kaguluhan ngayong may pandemic,” ayon pa kay Alex.

Comments are closed.