INILUNSAD kamakailan si Alex Gonzaga bilang bagong ambassador ng Nails Glow, ang isa sa popular na Nail and Body Spa sa bansa.
Yes, pinalitan na ni Alex si Nadine Lustre bilang endorser nito at nakatakda na ring magkaroon ng sarili niyang franchise ng Nails Glow ang actress-comedienne na sobrang ganda sa suot niyang green dress noong kanyang press launch sa SEDA Vertis North.
Pinagkaguluhan si Alex ng invited bloggers at marami siyang sagot tungkol sa pagiging bagong ambassadress ng Nails Glow. Wala pang place na binanggit kung saan itatayo ang nasabing franchise ni Alex, basta ang sigurado ay alam niyang magandang investment ito.
Bukod sa Nails Glow ay may dalawa pang negosyo si Alex, ang Khaleb Shawarma at Happy Cup kasosyo ang sister na si Toni Gonzaga at mother nilang si Mommy Pinty.
ROSANNA ROCES PUMAPEL NA INA NI CHRISTIAN BABLES
HINDI lang funny kundi riot talaga ang mga eksenang mapanonood sa “The Panti Sisters” na pinagbibidahan ng tatlong Gawad Urian awardees na sina Paolo Ballesteros, Martin del Rosario at Christian Bables. Girl na girl ang Panti Sisters at kanya-kanyang episode ng pagpapaka-lalaki dahil sa paunang manang P100 million na ipagkakaloob sa kanila ng may cancer na si Don Emilio.
Dito pasok ang character ni Rosanna Roces bilang si Vilma na ipinagpipilitan kay Don Emilio na lalaki ang anak niyang si Samuel (Bables) na muher na muher ang look.
Ang husay ni Osang sa eksenang ito na hindi kinakalawang ang acting sa drama at comedy. Magiging ka-love triangle si Osang nina John at Carmi Martin sa movie.
Pinupuri pala nito ang husay ni Christian dahil panalo ang acting. Todo-promote rin ang nasabing actress ng pelikula sa kanyang social media account, at malaki ang pasasalamat nito sa tiwalang ibinigay sa kanya ng showbiz couple na sina Perci Intalan at Jun Robles Lana na director ng The Panti Sisters, at isa sa mga producer nila. Magkakaroon ng premiere night ang nasabing comedy movie sa SM Megamall Cinema 7 ngayong September 10 na dadaluhan siyempre ng buong cast, director at producers.
May isa pang ginagawang movie si Rosanna sa Star Cinema na ang lead actors ay sina Bea Alonzo, Angelica Panganiban at Richard Gutierrez. Siya ang gaganap na mother ni Bea sa movie at ito ang reunion movie nila ni Allan Paule na isa sa leading man niya noon sa critically-acclaimed movie na “Ang Lalaki Sa Buhay Ni Selya” na kumita rin sa takilya.
EAT BULAGA 1st NOONTIME SHOW NA PINARANGALAN SA SKAL INT’L PARA SA MISS MILLENNIAL PHILS
TUMANGGAP noong August 22 ang Eat Bulaga ng SKAL Int’l Tourism Personality Award para sa Miss Millennial Philippines. Ang Skål International ay isang worldwide association of travel and tourism professionals.
Kinilala ang Eat Bulaga at nabigyan ng parangal dahil sa malaking ambag nila sa pagpapakilala ng turismo sa iba’t ibang lugar sa Filipinas. Ang EB ang tanging noontime show na nabigyan ng award kasama ng DOT, DENR, DILG, Philippine Airlines at iba pa.
Samantala, simula na naman ang #travelgoals sa iba’t ibang parte ng Filipinas. Sabay-sabay natin i-discover ang mga natatagong yaman ng bansa at samahan ang mga naggagandahang 40 candidates sa Miss Millennial Philippines 2019 sa kanilang tour sa ipinagmamalaking majestic sights sa kanilang lugar.
Comments are closed.