ALICE DIXSON NAGPABAKUNA NA VS COVID

NATURUKAN na ng bakuna kontra Covid-19 ang aktres na Alice Dixson sa Canada.

Sa isang post sa Instagram, ipinakita ng 51 taong gulang na aktres sa kanyang mga tagahanga ang isang band aid sa kanyang kanang braso na tanda na siya’y nabigyan na ng bakuna.

Ayon kay Dixson, sakaling magkaroon na sa Filipinas ng vaccine ng Pfizer ay plano niyang dito na lamang i-avail ang isa pang shot ng bakuna dahil nasa biyahe na siya nang i-post ang nasabing larawan.

Kamakailan lamang ay nag-post si Dixson ng larawan ng mga paa ng sanggol at masayang ibinalita nito na magkakaroon na siya ng baby.

Samantala, nakaligtas na sa COVID-19 ang aktres na si Rhian Ramos.

Batay sa short video clip na inilabas ng aktres sa kanyang Instagram account kasama ang kanyang manager na si Rach Librado, ilang araw silang nilagnat at agad na nag-self quarantine bago malaman na positibo ang resulta ng kanilang COVID-19 test.

Ayon sa aktres, kapwa nila sinikap manatiling motivated upang labanan ang sakit at pinagtuunan ang pagpapagaling at sinikap maging masaya sa kabila ng karamdaman.

Nagpasalamat naman ang dalawa sa lahat ng nanalangin sa kanilang mabilis na paggaling at nagbigay ng mensahe ng pag-asa para sa mga nagpositibo rin sa naturang virus.

”The light at the end of the tunnel is wonderful. If you or someone you know is still going through the covid battle, stay motivated my friend. Keep your morale up. When you see your first negative result, you’ll be overcome with relief and that feeling you’ve been dreaming of, where for 5 minutes there’s finally no fear. God bless our countrymen and God bless our healthworkers.Praying for you all out there. Stay safe,” pahayag ni Rhian Ramos sa kanyang instagram account.

4 thoughts on “ALICE DIXSON NAGPABAKUNA NA VS COVID”

  1. 247601 479449Exceptional blog here! Also your website loads up rapidly! What host are you making use of? Can I get your affiliate link to your host? I wish my site loaded up as rapidly as yours lol 95424

Comments are closed.