ALICE GUO PINAYAGAN NG PASIG RTC NA DUMALO SA SENATE HEARING

PINAYAGAN ng Pasig City Regional Trial Court na makadalo sa pagdinig sa Senado ang sinibak na si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Sa inilabas na kautusan ni Pasig City RTC Brach 167 Presiding Judge Annielyn Medes-Cabelis,  pinapayagan ang hiling ng Senate committee on women, children, family relations, and gender equality na makadalo nang personal si Guo sa pagdinig sa darating na Oktubre 8.

Dagdag pa nito na ang Senado ay isang co-equal branch ng judiciary.

Kasama rin na pina­yagan ay ang co-accused ni Guo sa operasyon ng POGO na kinabibila­ngan nina: Jamielyn San­tos Cruz, Thelma Barrogo Laranan, Rita Sapnu Yturralde,

Rowena Evangelista sy Rachelle Joan Malonzo Carreon.

ELMA M