ALICE GUO PUWEDENG MAGHAIN NG COC – COMELEC

NILINAW ng Commission on Elections na sa kabila ng pagkakadismis bilang alkalde ng Bamban, Tarlac, maaari pa ring makapaghain ng kandidatura si Alice Guo para sa 2025 midterm elections.

Ayon kay Comelec spokesperson Rex Laudiangco na kung sakaling maghain si Alice ng kanyang certificate of candidacy, tatanggapin pa rin ito ng komisyon, anumang posisyon ang kanyang tatakbuhan.

Sinabi  nito na ministerial lamang ang trabaho ng komisyon. Ibig sabihin, gagawin nito ang nakalatag na tungkulin na mag-facilitate ng filing at tumanggap ng mga COC.

Wala aniyang kapangyarihan ang Comelec na mag-reject sa COC ng dating alkalde kung naisin man nitong magsumite nito.

Gayom pa man, sa­kaling may maghain ng petisyon upang kanselahin o i-deny ang COC ni  Guo, maaari aniya itong aralin ng komis­yon at magamit ang naturang pestisyon bilang basehan ng petisyon for disqualification.

Tinanggal si Guo ng Ombudsman bilang alkalde ng Bamban dahil sa grave misconduct kaugnay sa umano’y kaugnayan niya sa operasyon ng POGO.